Sabi ng Gabriela
Richard Gomez, namumulitika

ADVERTISING

<i>Sabi ng Gabriela</i><br>Richard Gomez, namumulitika

Richard-GomezNAGKAAYOS NA sina Coco Martin at ang grupo ng Gabriela at ang ilang grupo ng women’s rights group na nagreklamo du’n sa ginawa ng aktor sa nakaraang The Nake Truth na show ng Bench.

Diyos ko! Ang tagal na ng show ng Bench, hanggang ngayon isyu pa rin ito, sa kabila ng paghingi ng public apology ng Bench, at pati kay Coco ay nag-sorry rin sila.

Pero patuloy pa rin ang reklamo at lumaki na ang isyu. Apektado na raw si Coco, lalo na ang career niya.

Meron na palang ilang possible endorsement ni Coco na umatras dahil sa isyung ‘yan. Kaya personal na humingi ng paumanhin si Coco sa Gabriela na tinanggap naman nu’ng magkaharap sila sa presscon nu’ng kamakalawa ng umaga.

ADVERTISING

Nangako rin si Coco na makikilahok daw siya sa ilang proyekto ng Gabriela para ipagtanggol ang karapatan ng mga kababaihan.

Pati nga raw ang kanyang ina at ang lola ay apektado na rin, kaya mabuti at nakipag-ayos naman siya sa Gabriela at tinanggap naman nila ito.

Ang pinagtuunan ngayon ng pansin ng Gabriela ay si Richard Gomez naman na sumagot para sa Bench.

Siyempre close si Goma sa Bench dahil siya naman ang kauna-unahang endorser, kaya ipinagtanggol niya ang mga kaibigan niya roon, lalo na si Mr. Ben Chan.

Nag-apologize naman ang Bench eh, at ‘eto na nga si Coco. Pero sabi ni Goma, hindi kailangang humingi ng sorry dahil wala naman daw intensyong apihin o maliitin ang mga kababaihan. Wala naman daw karapatang natapakan, dahil show lang daw ‘yun na Circus ang tema.

Pumayag naman ang babaeng contortionist na gawin niya ‘yun na tinalian siya na parang ginawang pet ni Coco, kaya bakit nga ba naging malaking isyu ‘yun?

Eh, alam n’yo naman si Richard na may pagkamataray rin ‘yan. Diretsong magsalita, kaya napikon ang mga taga-Gabriela na sinabihan sila ni Goma na namumulitika lang daw sila.

Sabi ni Liza Maza ng Gabriela, baka raw si Goma ang namumulitika at bakit daw ito nakikisawsaw sa isyu.

Hay, naku! Hindi rin ‘yan sila titigilan ni Goma. Tiyak na sasagot din ‘yan kapag mabigyan ng pagkakataon. Abangan n’yo na lang!

Dingdong Dantes, nagpaalam na sa pagiging single

NAKAKATUWA NAMAN si Dingdong Dantes na talagang hindi niya kinakalimutan ang mga kaibigan niyang movie press.

Sa tulong ng GMA 7, nagpa-send-off party sila kay Dingdong na kung saan nagkaroon ng games para pasayahin ang mga movie press.

Enjoy na enjoy naman ang mga reporter kaya love na love nila si Dingdong, at pati na rin si Marian Rivera.

Sabi ni Dingdong, ‘yun na raw ang huling pagtitipon nila bilang single. Pero sa pagbabalik daw niya para makasama uli ang mga movie press, kasama na niya ang maganda niyang asawa siyempre.

Kumpleto na nila ang mga ninong at ninang at ang buong entourage, kaya malaking event itong nalalapit nilang kasal sa December 30.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING