Saab Magalona, binugbog ng mga lasing

ADVERTISING

Saab Magalona, binugbog ng mga lasing

Saab-MagalonaNAG-I-STARTALK KAMI nang biglang may nagparating sa amin ng balitang binugbog daw si Saab Magalona ng ilang mga lasing at mga bangag sa Capitol Commons sa Pasig nu’ng kamakalawa ng madaling-araw.

Hindi lang namin nakuha ang buong detalye, dahil i-phone patch pa sana namin siya, kaya lang hindi pa raw muna siya magsalita dahil nagpa-blotter na raw ito at nagpagamot pa siya sa hospital.

Guest din namin ang kapatid niyang si Elmo Magalona sa Startalk, pero hindi pa raw niya nakuha ang buong detalye.

Nasa shooting daw siya nu’n, at nagulat na lang siya pag-check ng phone niya, ang dami na palang missed calls sa Mommy niya at mga text para ibalita ang nangyari sa Ate Saab niya.

ADVERTISING

Ang pagkakaalam daw niya nakalabas na ng hospital si Saab at okay na raw ito. Pero tinuloy daw ang pag-report sa police at malamang na magdedemanda ito.

Aalamin pa ng Startalk ang buong pangyayari at bakit umabot sa bugbugan ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING