Sa unang pagtatambal sa pelikula John Lloyd Cruz, kinakapa ni Angelica Panganiban!

ADVERTISING

 Sa unang pagtatambal sa pelikula John Lloyd Cruz, kinakapa ni Angelica Panganiban!

 Sa unang pagtatambal sa pelikula John Lloyd Cruz, kinakapa ni Angelica Panganiban! NAKAUWI NA nu’ng nakaraang Lunes, April 9, mula sa Vietnam sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban mula sa ilang araw na shooting para sa pelikulang pagtatambalan nila na produce ng Star Magic para sa kanilang 20th anniversary.

Sabay na nakausap namin na masaya sa una nilang pagtatambal, naging honest naman si Angelica na medyo nangangapa siya sa ugali pa ni John Lloyd kumpara kay Piolo na gamay na niyang katrabaho dahil ilang beses na silang nagkasama sa mga proyekto kabilang na nga ang pelikula nilang Every Breath U Take. Pero bilib naman siya sa propesyonalismo ng aktor na wala itong kapagurang magtrabaho. Positibo naman ang Box-Office King na mas makikilala pa nila ni Angel ang isa’t isa dahil may mga eksena pa silang kukunan dito sa Manila.

Kinumpirma sa amin ng aktres na isang teleserye nga ang nakalinyang gawin niya, ang Mariposang Dagat, kung saan nasulat na pagsasamahan daw nila ni Gretchen Barretto. Aminado na excited muling gumawa ng serye dahil dalawang taon din siyang nabakante pagkatapos ng Rubi, pero klinaro niya sa amin na sa pagkakaalam niya ay ‘di niya makakasama rito si Gretchen. Bukas makatrabaho ang kontrobersyal na aktres na nangyari sana kung natuloy ang Alta, hindi man magkatrabaho sa ngayon ay napakalaki ng tsansa na magkatrabaho sila sa mga susunod na proyekto ng ABS-CBN.

Hiningan namin ng reaksyon sa ginawang paglipat sa TV5 ng boyfriend na si Derek Ramsay, ayon kay Angelica ay nagulat siya sa naging desisyon ng boyfriend at nalaman na lang niya na pinal na ang desisyon nito habang nasa Vietnam siya.  Nirerespeto at sinusuportahan ang desisyon ng kasintahan, siniguro niya sa amin na wala namang magbabago sa relasyon nila ni Derek kahit na nasa magkaiba na silang istasyon.

ADVERTISING

 Sa unang pagtatambal sa pelikula John Lloyd Cruz, kinakapa ni Angelica Panganiban!

Sang-ayon naman si John Lloyd sa mga binitawang salita ng girlfriend na si Shaina Magdayao sa nakaraang presscon ng Kung Ako’y Iiwan Mo na sa paghibiwalay nila at muling pagbabalikan ay mas tumaas ang respeto nila at mas naramdaman nila ang halaga ng bawat isa. Suportado rin ang daring at matured na pagganap ni Shaina sa nasabing serye, kung saan kumpirmado na may mga sexy scenes ito with Jake Cuenca, hindi ipinaalam ito sa kanya ng girlfriend pero dahil kilalang isang propesyonal na aktor ay hindi isyu kay John Lloyd ang mga roles na ginagampanan nito.

Masaya rin na makakasama sa third installment ng pelikula nila ni Sarah si Iza Calzado na ayon kay John Lloyd ay matagal na niyang kaibigan bago pa man ito lumipat sa ABS-CBN. Excited din na ikinuwento ng aktor na sa darating na May ay kukunan na ang ilang mga eksena ng pagbabalik-tambalan nila ni Bea Alonzo sa isang teleserye.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING