Sa tulong nina Boy Abunda at Kris Aquino
Nora Aunor, matutupad na ang pag-asang bumalik ang golden voice

<i>Sa tulong nina Boy Abunda at Kris Aquino</i><br> Nora Aunor, matutupad na ang pag-asang bumalik ang golden voice

Nora-Aunor-Kris-Aquino-Boy-AbundaKAHIT NAMAN madalas na nakaiinis ang pagiging taklesa at medyo may kayabangan na dating ng mga salita ni Kris Aquino, marami rin naman talaga ang nagpapatunay na kapag mayroon siyang sinabi ay kanyang tinutupad. ‘Yung sinabi niyang tutulong siya sa sitwasyon ni Nora Aunor para makapagpaopera na ng kanyang lalamunan ang Superstar para manumbalik na ulit ang golden voice ng Mommy ni Ian de Leon ay malaking pag-asa na matupad, lalo pa’t nangako rin na tutulong si Kuya Boy Abunda.

Kung kay Kuya Boy, hindi na bago ‘yung pagtulong na ginagawa niya. Ganu’n din si Kris, dahil natatabunan lang ng maraming kontrobersiya ang kanyang pagiging matulungin. Pero in fairness naman kay Tetay, marami na rin siyang natulungan sa showbiz. Minsan nga, isang malungkot na dating young star na may nakahiwalayang husband, ang para lang makabalik sa Amerika ay sinagot na lang ng Mommy ni Bimby Aquino Yap ang pamasahe, para hindi na lang laging umiiyak ang dating young star.

Kung dahil isa si Kris sa magmamagandang-loob na matulungan si Nora na maipaopera ang kanyang lalamunan, ay napakalaki ng magagawa noon sa career ni Ate Guy. Marami naman talagang gustong tumulong sa Superstar, dahil nga karangalan siya ng showbiz bilang isang artista. Isa siya sa nagpasaya at nagpakinang sa industriyang ito.  Kaya sa ngayon, nakukuha talaga niya ang simpatiya at pagpapahalaga mula sa kung sinu-sinong tao para maibalik ang boses niya para muli siyang makakanta.

ChorBA!
by Melchor Bautista