Sa tulong ng social media
Suspek sa pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache, agad nahuli

ADVERTISING

<i>Sa tulong ng social media</i><br> Suspek sa pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache, agad nahuli

Cherry-Pie-PicacheNAKU! ANG laki nga ng nagawa ng social media dahil ang bilis at nahuli agad itong isa sa mga suspek sa pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache na si Mrs. Zenaida Sison.

Ito ngang si Michael Flores na ipinost ang litrato nito at ilang detalye tungkol sa kanya. Sa tulong ng mga taga-showbiz, tulung-tulong silang nagkalat nito sa Instagram, tapos inilabas pa sa news at pati nga sa Aquino and Abunda Tonight ay inilabas din.

Wala pang isang araw, kinagabihan nu’n nahuli agad sa may Laguna.

Kaya nagsampa na ng kaso sina Cherry Pie laban sa taong ito, na nagtrabaho pa naman sa kanila.

ADVERTISING

Ang sabi nitong Flores, hindi raw siya ang pumatay pero sangkot siya dahil siya ang nagbukas ng pinto dahil du’n siya nagtatrabaho, eh.

Siya rin daw ang nagbigay ng kutsilyo sa isang kasama niya na siyang pumatay sa ina ng aktres.

Nag-post na lang si Cherry Pie ng pasasalamat niya sa lahat na tumulong sa kanila.

Hindi pa rin ito gaanong nagpapa-interview dahil mahirap pa rin daw itong pinagdaanan nila. Lalo na’t may nahuli na at hinahanap pa ang ibang kasamahan.

Sana nga mabigyan agad ng hustisya itong karumal-dumal na nangyari sa ina ni Cherry Pie.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING