Sa teleserye ni Dingdong Dantes Heart Evangelista, out! Rhian Ramos, in!

ADVERTISING

Sa teleserye ni Dingdong Dantes Heart Evangelista, out! Rhian Ramos, in!

Sa teleserye ni Dingdong Dantes Heart Evangelista, out! Rhian Ramos, in!

PARA SA NEXT teleserye ng premyadong aktor na si Dingdong Dantes sa GMA-7, si Rhian Ramos na ang kumpirmadong makakasama nito.

Ito ang ikalawang serye na pagsasamahan nina Dingdong at Rhian, after ng matagumpay nilang Stairway to Heaven, isa sa landmark TV shows ni Dong dahil dito siya nanalo ng kauna-unahang best actor (drama) award niya.

Yes, balik-Rhian si Dingdong and GMA management decision umano na huwag nang ituloy ang unang napabalitang new serye na pagsasamahan dapat nina Dingdong at Heart Evangelista, for obvious reasons.

ADVERTISING

Open naman sa buong showbiz at sa buong Pilipinas ang nangyaring “away” nina Heart at ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera recently, at hindi naman “manhid” ang big bosses ng Kapuso Network para ituloy pa ang Dingdong-Heart serye, eh, “naggi-giyera” na ang fans nina Marian vs. Heart, ‘no!

Feeling namin, sa kakulangan ng lead actresses sa GMA na puwedeng ipareha sa “level” ngayon ng alaga ni Perry Lansigan, eh okey na rin if magsamang muli sila ni Rhian, dahil nag-hit naman, after all, sa ratings ang STH.

Out na si Heart. Out na rin si Regine Velasquez dahil buntis. Kakatapos lang ni Iza Calzado na mag-replace kay Regine sa I Heart U Pare with Dingdong also. Out of the limelight pa rin si Sunshine Dizon.

Mukhang may ibang gagawin si Jennylyn Mercado na soap. May danserye si Kris Bernal. Mukhang hilaw pa si Kylie Padilla para maka-partner ni Dong at kakatapos lang ng kanyang Blusang Itim.

Si Carla Abellana, story conference na this week ng kanyang bagong serye with Michelle Madrigal and Paulo Avelino, that is, kung mapipigilan nga ang pag-alis niya sa Siyete at hindi mag-ober da bakod sa ABS-CBN na may offer umano sa alaga ni Leo Dominguez.

Sina Bianca King at Alessandra de Rossi ay may ongoing na serye sa hapon; ganoon din si Jackie Rice. Si Ryza Cenon, mukhang iba ang babagay sa kanya. Lalong “nega” si Bela Padilla at ayaw rin ni Marian, huh! Hahaha!

 

PERO NOTHING TO worry naman ang fans ni Heart Evangelista dahil may bago rin itong show, hindi nga lang the same material na supposedly eh, pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes.

This time, balik-Geoff Eigenmann naman si Heart!

Yes, si Geoff ang napili naman ng Kapuso to be Heart’s new leading man sa seryeng gagawin nito, na nasa pre-production stage na nga yata at nakarating na rin sa kaalaman ito ni Geoff at very happy siya sa balita.

After Magic Palayok kasi ni Goeff, na-“tambay” siya sa paggawa ng serye, at nagpa-balbas sarado pa ito. Pero na-shave na ito noong Sabado sa bonggacious na photo shoot ng PPL Entertainment talents sa Tagaytay para sa new catalogue ng talent management na ito ni Perry P. Lansigan.

So, reunion of sorts ito for Heart and Geoff na unang nagkatrabaho noon habang nasa ABS-CBN sila. Maliit lang nga ang mundo at magkakasama talaga ang mga dating na-link din sa isa’t isa.

Pero committed na both sina Heart (kay Daniel Matsunaga) at Geoff (kay Carla Abellana), trabaho na lang ito this time for them for their new show.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING