Sa sobrang pagmamahal
Rayver Cruz, pumayag maging alalay ni Cristine Reyes!

ADVERTISING

<b>Sa sobrang pagmamahal</b><br> Rayver Cruz, pumayag maging alalay ni Cristine Reyes!

<b>Sa sobrang pagmamahal</b><br> Rayver Cruz, pumayag maging alalay ni Cristine Reyes!TALAGANG MAHAL na mahal nitong si Rayver Cruz si Cristine Reyes.

Imagine, pumayag itong maging alalay lang ng aktres nang mag-show ito sa Canada recently.

May show si Cristine sa Canada kaya hindi siya nakasipot sa Star Magic Ball. Special guest siya ni Vice Ganda sa ilang shows doon.

Rayver took the occasion para makapagpahi-nga nang kaunti. Sinamahan niya ang aktres sa gigs nito roon.

ADVERTISING

Actually, libre naman ang accommodations ni Rayver dahil may plus one si Cristine at siya na iyon. Standard kasi na kapag may show sa abroad ay may kasamang production assistant, na siyang ginampanan ni Rayver all in the name of love.

 

BLIND ITEM: Gustong i-remake ng isang hindi masyadong kilalang direktor ang obra maestra ng isang female director.

Pumayag ang script-

writer ng original movie sa remake nang magpaalam ang direktor. Kaibigan naman kasi niya ang screenwriter kaya wala si-lang naging problema.

Kaso, feeling ng direktor ay kailangan niyang magpaalam sa original director ng movie. So, call siya sa opisina nito.

Well, walang napala ang pobreng direktor kundi rejection. Maghanap na lang daw ito ng sariling movie niya na masasabi niyang obra maestra.

So, ano ang movie na gustong idirek ng not-so-veteran director? Well, isa itong award-winning movie about a woman na nasangkot sa murder.

<b>Sa sobrang pagmamahal</b><br> Rayver Cruz, pumayag maging alalay ni Cristine Reyes!

ISA PANG BLIND ITEM: Magdidirek na yata ang dating sexy actor na hindi naman talaga sumikat noong panahon niya sa isang film company known for sexy movies.

Isang indie film yata ang binabalak niyang idirek. Ewan lang kung sino ang Kanyang financier.

Since he will be into directing indies, aba, naglibot ang sexy actor sa isang mall known for showing indie films na may temang bold. Talagang may-I-sight siya ng mga posters ng movie.

At dahil kahit paano ay nakalabas na naman siya sa ilang sexy movies ay may recall pa rin naman ang aktor.

Kaya lang, ang comment lang ng nakakita sa kanya ay parang hindi na lalaki ang actor, parang may bahid na ito ng ka-berdehan.

Kitang-kita raw sa ka-nyang kilos na bisexual na ang aspiring director. Kahit sa kilos at pananalita ay halatang hindi na raw ito straight guy.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING