Sa sobrang higpit ng madir: bagets star, prepaid pa rin ang sim ng cellphone!

 

ISA LANG ito sa napakaraming kuwento tungkol sa nanay ni Bagets Star. Sino ba’ng mag-aakala na up to now ay prepaid sim pa rin ito, pero ang madir niya ay naka-postpaid.

Nilolowdan na lang ito ‘pag nauubos.

Ba’t ba ayaw ni madir na kunan ito ng postpaid sim? How ironic, samantalang endorser pa naman ito ng isang telecom.

Buti okay lang ito kay Bagets? Buti, hindi niya sinabi sa madir niya na, “Ma, ako naman ang breadwinner, responsableng bata naman ako, ba’t prepaid lang ako?”

Hay, nako… isang kuwento lang ‘yan na ikinalungkot namin, dahil hanggang ngayon, hindi namin maintindihan kumbakit napakahigpit ni madir sa kanyang anak, lalo na sa lovelife nito.

Baka nga tumandang dalaga na lamang si Bagets na imbes na mabuntis ay lumaki ang tiyan nito dahil tinubuan na ng myoma.

Mother, wake up! Ang anak mo ay hindi na dose anyos. Lampas pa sa legal na edad ‘yan. Iparanas mo sa kanya ang karaniwang nararanasan ng ibang kabataan dahil alam naming responsableng bata naman ‘yan.

Iregalo mo na sa bata ang ma-enjoy niya ang kanyang “edad”.

(By Ogie Diaz)