Sa sobrang galit sa pagsisinungaling daw Annabelle Rama, gustong sagasaan si Nadia Montenegro!

ADVERTISING

Sa sobrang galit sa pagsisinungaling daw Annabelle Rama, gustong sagasaan si Nadia Montenegro!

Sa sobrang galit sa pagsisinungaling daw Annabelle Rama, gustong sagasaan si Nadia Montenegro! NALOKA NA naman ako nang nabalitaan kong nagwala na naman daw si Annabelle Rama sa hearing nila ni Nadia Montenegro.

Pangalawang beses na nilang magkita sa hearing at hindi na naman nakapagpigil si Bisaya!

Sa San Juan Prosecutor’s Office ito nangyari nu’ng nakaraang Lunes , kung saan nag-submit si Nadia ng counter-affidavit niya sa kasong Theft na isinampa ni Annabelle laban sa kanya.

Nagalit yata du’n si Annabelle sa nakalagay du’n sa hospital bed na napunta kay Nadia na ibinenta raw nito.

ADVERTISING

Hindi ganu’n kalinaw ang kuwento sa akin, pero uminit daw ang ulo niya dahil may mga kasinungalingan na naman daw na sinabi ni Nadia, kaya paglabas nila ng Prosecutor’s office, inabangan niya sa labas si Nadia at hinahamon niya ito ng suntukan.

Nagsisigaw siya roon na magnanakaw raw si Nadia at inagaw pa raw ang kotse sa driver niya dahil gusto niyang siya ang magmaneho para sagasaan si Nadia.

Bumalik si Nadia sa office ng Asst. Prosecutor at hindi ito lumabas hangga’t nandu’n sa baba si Annabelle na galit na galit. Mabuti at napakalma naman ito ng mga reporters na nandu’n kaya umalis na rin ito.

Ang sabi raw ni Nadia, pinag-iisipan nilang magsasampa sila ng demanda dahil sa ginawa ni Bisaya.

Wala namang pakialam si Annabelle kung ano ang gagawin ni Nadia. Galit na galit lang daw talaga siya kapag nagsasabi ng mga kasinungalingan si Nadia.

Hay, naku! Palala nang palala na itong gulo nila. Ang alam ko sa February 6 ang susunod nilang hearing at ewan ko kung ano na naman ang mangyari niyan!

 

SA OCTOBER na pala ikakasal sina Marco Alcaraz at Lara Quigaman. Isang beach wedding ang binabalak nila na gagawin sa isang exclusive resort somewhere in Batangas.

Hindi pa nila kinu-confirm ang buong detalye dahil inaayos pa nila ito nang husto. Para, ang sabi ni Lara, kung ano ang dream wedding niya ay gusto niya ito ang mangyari.

Wala pa silang sinasabing entourage, pero mga taong malalapit sa kanila na naging bahagi ng kanilang relasyon ang mga kukunin nilang ninong at ninang.

Kaya todo-kayod ngayon si Marco dahil pinaghahandaan na nito ang pagpasok niya sa pagiging pamilyadong tao.

Kasali ngayon si Marco sa bagong Dramarama sa Hapon ng GMA-7 na Broken Vow na magsisimula na sa February 6.

Kung si Lara raw ang masusunod, gusto niyang magkaroon ng maraming anak. Si Marco naman, ang gusto niya, dalawa lang. Pero kung ano man daw ang ibibigay sa kanila ng Diyos ay tatanggapin nila ito nang buong-buo.

Iimbitahin kaya ni Marco ang dating manager niyang si Arnold Vegafria na siyang nagpasok sa kanya sa showbiz?

Hindi maganda ang paghihiwalay ng dalawa, at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw sila nagkikita at nagkausap.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING