Sa Pelikula nila ni Jolo Revilla: Rhian Ramos, enjoy sa kanyang mala-Lara Croft na role

ADVERTISING

Sa Pelikula nila ni Jolo Revilla: Rhian Ramos, enjoy sa kanyang mala-Lara Croft na role

Sa Pelikula nila ni Jolo Revilla: Rhian Ramos, enjoy sa kanyang mala-Lara Croft na role
Rhian Ramos

ANG GANDA ni Rhian Ramos last Sunday when she hosted the Nominees’ Night ng EDDYS Award sa pamumuno ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) na isinagawa sa Valencia Events Place.

ADVERTISING

Kering-keri ni Rhian ang mag-host with her “British” accent.

Kaswal na kaswal ang dalaga habang iniisa-isa ang paga-announce ng mga pangalan ng mga nominado sa EDDYS na isa sa mga respetadong award giving body na sa kanilang pangalawang taon ay nakakuha kaagad sila ng respeto at kredibilidad mula sa industriya at maging sa publiko and not to forget ang mga corporate sponsors for their event na todo suporta sa kanila.

Naibalita ni Rhian sa amin na katatapos lang niya ng serye with Dennis Trillo sa GMA-Kapuso Network na The One That Got Away.

ADVERTISING

Naikuwento rin ng dalaga na katatapos lang niya gawin ang kanyang first-ever action film with Jolo Revilla na 72 Hours sa direksyon ni Dondon Santos.

“It’s my first. I enjoyed the experience,” kuwento ng dalaga sa amin last Sunday during our short chat sa naturang event.

 Sa katunayan, bonggang-bongga ang mga eksena na ginawa niya. May barilan, mayroong car chase na very Hollywood ang dating na iisipin mo isang totoong eksena na habulan ng isang drug lord at ng mga pulis sa napapanood natin sa mga movies na hinahangaan natin at napapabilib tayo sa hitik ng mga action scenes.

Sa Pelikula nila ni Jolo Revilla: Rhian Ramos, enjoy sa kanyang mala-Lara Croft na role
Jolo Revilla and Rhian Ramos

“It’s a trilogy about drugs and syndicate,” kuwento ni Rhian.

Sa episode ng dalaga, si Jolo naman ang kapartner niya sa “Revilla Brothers” na pelikula.

Hindi bago sa dalaga ang humawak or magpaputok ng baril sa mga eksena niya sa pelikula. “I’ve done that in the past sa mga teleseryes ko. But with this, it’s different,” sabi niya.

Ang 72 Hours ay bale comeback picture ni Jolo na since pumasok ito sa local politics sa probinsiya ng Cavite ay iniwanan niya saglit ang showbiz at paga-artista.

Sa kaso ni Rhian, she’s happy sa estado naman niya sa usaping “lovelife”. “I’m happy with my 3 years relationship with my non-showbiz boyfriend,” pagmamalaki ng dalaga.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING