Sa panggagatong ni Rayver Cruz? Sarah Geronimo, tinuluyan ni Cristine Reyes

ADVERTISING

Sa panggagatong ni Rayver Cruz? Sarah Geronimo, tinuluyan ni Cristine ReyesINAMIN NA NI Rayver Cruz sa isang interview na siya ang nagkuwento kay Cristine Reyes ng mga parinig ni Sarah Geronimo nang magrehearse sila para sa ASAP XV.

Wala kaming makitang masama sa ginawa ni Rayver. Siyempre, girlfriend niya si Cristine kaya naman concern lang siya.

ADVERTISING

Ang maganda pa kay Rayver, pinanindigan niya ang kanyang ginawa at inamin ang kanyang dapat aminin. ‘Yan ang lalaki.
Ang hirap naman kasi rito kay Sarah, magbibitaw ng salita, pagkatapos ay hindi naman mapanindigan. Very subtle pala kung magparinig ang dalaga.
Dapat malaman ni Sarah na ang isang celebrity na katulad niya ay dapat nag-iingat ng kanyang sasabihin. Her statements are subject to interpretation palagi lalo pa’t may nag-react.

In the first place, sino ba ang nagsimula ng gulo? Sino ba ang unang nagparinig? Kung wala kang binitiwang salita Sarah, wala ka ring maririnig na reaction.
Mas bilib kami kay Cristine dahil wala siyang pakialam at matapang niyang nasasabi ang kanyang gustong sabihin. Ibig sabihin, kaya niyang panindigan ang kanyang binitiwang salita.
Kung meron mang dapat mag-sorry sa dalawa, si Sarah iyon dahil siya naman ang naunang nagsalita nang patalikod laban kay Cristine. Bagama’t hindi niya pinangalanan ay alam naman ng mga tao sa ASAP XV na si Cristine ang gusto niyang tukuyin pero hindi lang niya matumbok.
Bakit ba kasi hanggang ngayon, hindi mo pa maamin na naging kayo ni Rayver, Sarah?
MEDYO NA-HURT PALA si Gwen Zamora nang matsismis na siya ang third party sa hiwalayan nina Vic Sotto at Pia Guanio.
“It hurts kasi I have nothing to do with their relationship talaga. I only see Bossing Vic when I work and in presscons. It’s really just work,” esplika ni Gwen.
“I got shocked, kasi I really don’t know about their love life. I had an interview. “Oh, you know, they’re happily in love. She doesn’t visit on set. They trusted each other”. Tapos the next day, I read in the newspaper wala na pala sila. I didn’t know. That’s how much I know about the relationship. I know nothing,” dagdag pang paliwanag ng baguhang aktres.

Itinanggi rin ni Gwen na bumibisita sa set nila si Pia. “No, kasi ang layo naman ng Tanay, Rizal.”
Wala naman silang away ni Pia. In fact, binati pa siya nito nang mag-guest siya sa Showbiz Central.
“I met Pia in Showbiz Central. We don’t talk much. It’s none of my business. Hindi ako ‘yung “how’s your love life?” “Hi Gwen!” “Hi Pia!”‘Yung mga ganyan na bagay hindi ko problema. It’s her issue talaga. None of my business to butt in, ‘di ba?” Kilalang generous si Vic sa kanyang leading ladies, binigyan na siya ng comedian ng Christmas gift?
“Wala po, nothing. Why, should I be expecting something?”
Hindi naman masabi ni Gwen kung charming si Vic na kilala bilang ladies’ man.
“I don’t know. Is charming different to friendly? I don’t look at him. I don’t  know. ‘Pag tinitingnan mo ang tao baka “ba’t mo ko tinitingnan?”. He’s approachable… he’s nice. I really don’t know what charm means. Awkward naman ‘yon, ‘di ba, ‘pag tinitignan mo ang tao?”

ADVERTISING

BLIND ITEM: Aware pala ang isang magaling na actor na pinalitan na siya ng isang singer sa buhay ng isang actor.
Nang makausap ng premyadong actor ang isa kaIbigan ay kinumusta nito ang dati niyang special friend na actor. Wala namang panghihinayang sa kanyang tono nang kumustahin niya ang matagal na niyang hindi nakikitang kaibigan.
At updated pala siya sa love life ng kanyang special friend dati. Alam niyang isang singer ang ipinalit nito sa kanya. Sport lang naman ang actor at tanggap naman niyang wala na siyang appeal sa special friend niya.

May common denominator ang actor at ang singer. Pareho silang Tsinito.

Sa panggagatong ni Rayver Cruz? Sarah Geronimo, tinuluyan ni Cristine Reyes
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING