Sa pambabastos sa international singer Charice, idedemanda si Mo Twister at 2 ang DJ?!

Sa pambabastos sa international singer Charice, idedemanda si Mo Twister at 2 ang DJ?!

Sa pambabastos sa international singer Charice, idedemanda si Mo Twister at 2 ang DJ?! OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Pak na pak na naman tayo today! More chikka, more fun na naman tayo. Thanks God it’s Friday chismisan na naman to the maximum authority of chikka ng yours truly!

OMG! Kakasulat ko lang nu’ng nakaraan ng tungkol kay Mo Twister… grabe talaga itong si Mo, at long last, nakakuha na ng katapat ang beki at bastos at walang modong Mo Twister, matapos nilang bastusin si Charice Pempengco.

Mabubuwang ka sa Earth. Kasi nu’ng isang araw, para sa mga twitter followers, may hashtag na #charicepempengcosextape, kung saan pinaglaruan at ginawang joke ng beking Mo at ng dalawang kasama niyang DJ na sina Mia Bayuga at Tin Gamboa sa programa nila sa Magic 89.9 si Charice.

Super trending talaga ito sa twitter, kaya sa takot ng beking si Mo, inamin niyang joke ang nasabing sextape, sabay hingi ng paumanhin sa kanyang twitter account.

Nakarating ito sa management ng radio station kung kaya’t sinuspinde si MO at ang dalawa pa niyang co-DJ without pay. Sabi nga, karma na ‘yan kay Mo Twister.

Narito ang official statement ng Magic 89.9 kaugnay ng isyu:

“The management of today’s best music station, Magic 89.9, does not condone what happened this morning, May 9, 2012 on Good Time as joke, the DJs started an objectionable hashtag about Charice Pempengco on twitter. An apology to Ms. Pempengco shall be made tomorrow morning, May 10, 2012 on the said radio show. Furthermore, as self-regulation, the DJs involved shall be suspended from this boardwork for two weeks without pay as consequence on their actions.”

Pero kaloka to the max talaga ang sinasabi nilang suspension, waley! Kasi, maraming nakarinig na on the air pa rin ang tatlo kahapon. Ano ito, lokohan na? Dapat iparating na ito sa KBP. Kung ang management ang nag-violate ng kanilang suspension or baka naman hindi pa na-serve ang suspension, kasi ang dami ni-lang tinitira kahit hindi celebrity.
Hindi sila umubra kay Charice, sa pambabastos nilang tatlo, kaya sa kanyang twitter, nag-tweet ito ng, “too bad, remember you interviewed me? i thought you were nice. anyway, i should talk to you face to face.”

At sa aking pagkakaalam, mukhang gagawa ng action ang manager ni Charice na si Oprah para kasuhan sina DJ Mo Twister at ang dalawa niyang kasama para maturuan ng leksyon sa kabastusan nito. Wish ko lang, makahanap sana ng good lawyer ang bansot na beking Mo.
Pero teka, ‘pag nag-face to face ito, mukhang uso talaga ang bugbugan. ‘Di ba katatapos lang ng Thrilla in NAIA nina Mon Tulfo at mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, and Andi Eigenmann at Albie Casiño. Three in a row, bonggacious! Talangang it’s more fun in the Philippines! Kakahiya kayo!

Basta ako, peace ang hangad ko sa kanila. Ayaw kong madamay, pinapangalagaan ko ang  aking sarili sa 43 years ko sa industry, walang libel, walang bugbugan, kasi maganda ako, say mo?! Pak!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong maloloka ka talaga sa Earth dahil kaya pala hiniwalayan niya ang nali-link sa kanya eh, matagal na pala siyang may BF?

At take note, ginamit lang daw niya itong lalaki dahil ‘yung BF niya ay may mabigat na kaso. Naku, ‘te, kaloka to the highest level!

Sino siya? Manggagamit lang pala ang gurlelet, kawawa naman ang ombre dahil lagi na lang naga-gamit. Bakit kasi lagi na lang siyang iniiwan? Ano ba ang meron sa kanya? Hahaha! Pak!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding