Sa pambabastos kay Jobert Sucaldito
Xian Lim, lumabas ang ‘kabaklaan’

ADVERTISING

<i>Sa pambabastos kay Jobert Sucaldito</i><br> Xian Lim, lumabas ang ‘kabaklaan’

Xian-Lim SA TOTOO lang, ako mismo, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ni Xian Lim para magtaray at mag-walk-out sa kasamahan natin sa panulat na si Jobert Sucaldito nang interbyuhin nito nang live via Skype sa kanyang radio show na Mismo sa DZMM last Tuesday habang ang halos lahat ng mga Kapamilya Stars ay naroroon para sa kanilang ABS-CBN Christmas Special 2013 concert.

Simpleng tanong kay Xian na pampakiliti sa mga fans at tagasubaybay nila ni Kim na tila biglang nagkaangas ang kapareha ng mabait na si Kim Chiu.

Ok, granting bad trip siya noong araw na ‘yun na kapag tungkol kay Kim ang itatanong ay madali siyang mairita. Pero kahit saan mo man tingnan, turn-off para sa isang “gentleman” na tulad niya ang umasta nang ganu’n.

A simple question na p’wede niyang sagutin ng “showbiz na showbiz” gayong ang mundo naman ni Xian ay showbiz din  naman. Nang mairita, pabalang na sinagot si Jobert, nag-walk-out ito on the spot habang ini-interview siya. After a few minutes, nagpasabi ito ng “sorry” sa kanyang inasal thru his road manager na si Gidgette dela Cuesta sa radio host.

ADVERTISING

Nabastos si Jobert sa inasal ni Xian.

Pero nagtataka lang ako kung anong nakain ni Xian nang mga sandaling ‘yun para ang isang simple at hindi naman nakaiiritang tanong tungkol sa ka-love team niya ay mag-alburoto siya. Sa totoo lang, without Kim, there will be no Xian Lim. The fact na inili-link man ang pangalan niya kay Kim (who is so sweet and nice), dapat magpasalamat siya.

Pero nagtataka lang ako sa pag-e-emote ni Jobert sa kanyang FB account na ang attitude na ganu’n ni Xian is a form of “kabaklaan”. Beki ba ang ka-loveteam ni Kim? Mas lalaki pa yatang ‘di hamak si Vice Ganda kaysa sa kanya.

Xian-Llim

ANG SEKSI ni Heart Evangelista sa kanyang 12 pages 2014 Tanduay Calendar.

Ang dami nang naging modelo ng naturang inumin na every year ay inaabangan. Pero this time, ang peg ni Heart ay very Sports Illustrated magazine where international super models aim to be in the cover sa isa sa pinakasikat na babasahin.

Seksi at sosyal si Heart sa tipong fashion editorial niya na ginawa na nina Camille Alves at Andriana Lima (katipo siya ni Heart).

Kaya nga proud ang boyfriend ng dalaga na si Senator Chiz Escudero dahil ang girlfriend ay ilusuyon ngayon ng mga kalalakihan at pati mga-katomboyan dahil sa naturang calendar.

Ngayon na mina-manage siya ng Viva Artist Management for 2014, mas maraming daring plans ang Viva para sa kanya. Her teleserye is doing good sa rating and most likely ay isang magandang movie in the mid-2014.

 

GIMIKERO KA ba sa Malate? Dati kami ng kaibigang Archie de Calma na pumanaw na, kaya tipong manunumbalik ang interest namin sa dating Friday night hangout namin sa bagong  bukas na Heaven, the newest premier nightlife location along Nakpil and Orosa Streets na pag-aari ni Andrew “Mamu” de Real of The Library.

Ang maganda sa bagong bukas na Heaven, may apat na conceptual bar-restos under one roof sa loob ng isang gimik establishment. Imagine, mayroong dance club na Red Coconut (inspired by the Coco Banana fame of the late 70’s); Mint, a lounge for easy listening music while sipping some booze); a Zinc music bar (for sing-along galore) and an al fresco dining area named Azzul.

Sa pagbubukas ng Heaven in Malate, tipong balik na naman ang old glory ng one of Manila’s favorite destination sa kabila ng mga kaliwa’t kanang mga gimikan like Eastwood, Greenbelt, Greenfields, etc) na nagsusulpatan.

Pangako ng kaibigang Nap Gutierrez, magugustuhan ko raw ang Heaven at babalik muli ako sa Malate to experience one of the country’s colorful nightlife with the opening of the newest hangout.

 

TULOY ANG pagtulong sa survivors ng Yolanda. Hindi magpapahuli ang mga dating host ni Willie Revillame like Rufa Mae Quinto and Mariel Rodriguez para sa kanilang Women of Yolanda project na magaganap bukas until Sunday (December 14-15) sa Function Hall ng Star Mall sa kanto ng EDSA at Shaw Blvd. Mabibili ang mga pre-owned outfits and footwear nila sa murang halaga. Brands like Mango, H&M, Urban Outfitter will only cost at P250 each.

Meanwhile, out in the market na ang DVD ni Rufa Mae na Huling Henya from Viva Films kung hindi mo pa napanood sa sinehan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING