SA PAGTULONG NITO SA REGAL FILMS: Mother Lily, mahal na mahal si Direk Maryo

ADVERTISING

SA PAGTULONG NITO SA REGAL FILMS: Mother Lily, mahal na mahal si Direk Maryo

SA PAGTULONG NITO SA REGAL FILMS: Mother Lily, mahal na mahal si Direk Maryo
Mother Lily playing organ during the start of the mass

NGAYONG GABI ang last night ng wake ni Direk Maryo J. Delos Reyes at nakalagak ang kanyang labi sa Loyola Chapels-Commonwealth in Quezon City.

Noong 2nd night, the mass was sponsored by Mother Lily and daughter Roselle Monteverde’s Regal Films and the DGPI (Directors Guild of the Philippines, Inc), kung saan nagkaroon ng eulogy after the first mass.

Punong abala si Mother Lily sa pagaasikaso sa mga nakiramay that evening (January 31).

Kumbaga sa isang showbiz event, star studded ang 2nd night ng wake ni Direk Maryo J. na mahal na mahal ng mga taga-showbiz. Wala kasing “masamang tinapay “ sa kanya.

ADVERTISING

Ayon sa kuwento nga sa amin ni Mother Lily, two weeks prior to the director’s death ay nagkausap pa sila.”We we’re discussing about his project for Regal Films. Andun din si Roselle during the meeting,” kuwento ng Regal Films producer.

Sa katunayan, scared si Mother Lily sa mga kaibigan niya na namamatay lalo na yong malapit sa kanya.

SA PAGTULONG NITO SA REGAL FILMS: Mother Lily, mahal na mahal si Direk Maryo
June Torrejon & Ogie Alcasid

“Hindi ako nakakatulog. Feeling ko, kapag nagising ako, andyan siya,” natatawang kuwento ni Mother sa numpukan ng mga entertainment press.

 Isa si Direk Maryo sa mga film directors ng Regal na close sa kanya personally na sa malaking tulong nito sa film outfit ni mother ay binigyan niya ito ng condo unit sa pag-aaring Imperial Palace sa Tomas Morato Ave. bukod pa sa isang lote sa may Calamba na ginawang hot spring resort ni Direk Maryo.

SA PAGTULONG NITO SA REGAL FILMS: Mother Lily, mahal na mahal si Direk Maryo
Aga Muhlach, Cesar Montano and Joel Torre

During the Regal’s Night, we spotted Aga Muhlach, Maricel Soriano, Joel Torre, Alessandra de Rossi, Jeric Gonzales, Ara Mina, Alice Dixson with her manager Popoy Caritativo,Rez Cortez,Ogie Alcasid, June Torrejon (Direk Maryo’s manager); Edu Manzano, actress Sylvia Sanchez,  Manay Ichu Maceda, Yul Servo, Gabby Concepcion, Cecil Guidote of PETA & NCCA; directors Joel Lamangan, Joey Javier Reyes, Ronnie Bertubin at marami pang iba.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING