Sa pagtuligsa kay CNN reporter Anderson Cooper
Korina Sanchez, nawalan ng kredibilidad?

ADVERTISING

Sa pagtuligsa kay CNN reporter Anderson Cooper<br> Korina Sanchez, nawalan ng kredibilidad?

Anderson-Cooper-Korina-SanchezDAHIL NA rin sa pagtuligsa sa CNN reporter na si Anderson Cooper nang ibalita nito sa CNN at mapanood ng buong mundo ang kalunus-lunos na nangyari sa Tacloban dala ng super typhoon Yolanda, dumami ang haters ni Korina Sanchez ‘di lang sa bansa kundi maging sa buong mundo nang sabihin nitong mali-mali ang report ni Cooper.

Buwelta nga ni Cooper na hindi niya kilala si Korina at ang alam lang daw niya ay asawa ito ng isang politician. Idinagdag nito na ang inire-report niya ay kung ano lang ang nakikita niya at ang interview niya ay mula na rin mismo sa mga taong naroroon.

Dagdag pa ni Cooper na hinahangaan niya ang katatagan ng mga Pilipino na naroroon na kahit sa gitna ng trahedya ay handa pa ring bumangon at naniniwalang may pag-asa at gumagawa pa rin ng paraan para maging masaya at makalimutan pansamantala ang dinanas na trahedya.

Sa ginawang pagbatikos ni Korina sa report ni Cooper, mas marami ang pumanig sa CNN reporter at kumalat sa Twitter, Instagram at Facebook ang lait kay Korina ng mga kababayan nating Pinoy sa bansa ta isa bang panig ng mundo, at kahit nga ang mga hindi natin kalahi ay hindi rin sumang-ayon sa ginawa ni Korina.

ADVERTISING

Marami nga ang nagsasabi na nawalan ng kredibilidad si Korina bilang broadcast journalist na balitang suspended sa ABS-CBN dahil na rin sa kanyang ginawang pagtuligsa kay Anderson Cooper.

 

PROUD MOM ang awardwinning-actress na si Ms. Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Arjo Atayde dahil kahit baguhan pa lang ito sa showbiz ay sunud-sunod ang nominasyon na nakukuha nito sa iba’t ibang award-giving bodies kung saan last year ay nanalo itong Best New Male TV Personality sa Star Awards For Television para sa mahusay nitong pagganap sa MMK.

At last year din ay na-nominate ito sa Golden Screen Awards for Breakthrough Perfromance by an Actor. At ngayong taon nga ay nominado ulit ito sa Star Awards For Television for Best Supporting Actor para sa mahusay nitong pagganap sa Dugong Buhay.

Hindi nga raw inaakala ni Ms. Sylvia na mapapansin ng marami ang talento sa pag-arte ng kanyang anak na obviously ay namana sa kanya dahil ‘di rin naman matatawaran ang galing sa pag-arte ni Ms. Sylvia.

Tsika nga nito na manalo o matalo man ang kanyang anak ay isang malaking karangalan na rin ito para kay Arjo, sa kanya at sa kanilang pamilya. Bukod nga kay Arjo ay nominado rin si Ms. Sylvia for Best Supporting Actress para sa mahusay nitong pagganap sa Be Careful With My Heart.

 

NAG-CELEBRATE NG kanyang 18th birthday ang Tweenstar na si Hiro Magalona Peralta at imbes na isang engrandeng selebrasyon ang magaganap ay mas pinili na lang nitong mag-donate sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda, isa nga sa naging wish nito ay inalay niya sa Yolanda Victims.

Ilan pa sa wish nito ang magandang pangangatawan sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay. Wish din nito ang tuluy-tuloy na trabaho sa kanyang home studio, ang GMA-7 at Regal Films.

Nais nga nitong iparating kay Mother Lily na bigyan siya ng pelikula habang pahinga siya ngayon dahil katatapos lang ang kanilang soap na Anna Karenina na tumagal ng ilang buwan dahil nag-click ito sa mga manonood at certified top-rater ng Kapuso Network.

Pakiusap naman nito sa GMA-7 na sana raw ipareha siya muli sa kanyang original loveteam na si Kim Rodriguez na matagal-tagal na rin daw niyang hindi nakakatrabaho at gusto rin nitong makatrabaho sina Barbie Forteza, Kylie Padilla at maging si Marian Rivera.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING