Sa pagtakbo bilang senador Alma Moreno, sobrang ambisyosa!

ADVERTISING

Sa pagtakbo bilang senador Alma Moreno, sobrang ambisyosa!

Sa pagtakbo bilang senador Alma Moreno, sobrang ambisyosa!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. Don’t make your Monday a blue Monday!

ADVERTISING

Talagang mabubuwang ako sa Earth! Naloka kasi ako sa napaka-ambisyosang si Alma Moreno. Walang takot na magpahayag na tatakbo siyang senador. OMG! Talagang shock to death ako sa kanya. Bakit ‘kamo? Nasubaybayan ko ang career niya nu’ng nag-uumpisa pa lang siyang mag-artista. Pakalat-kalat ito sa Masambong at laging nakikitawag sa kaibigan kong may-ari ng telepono.

Take note, hindi pa uso nu’n ang cellphone. Nakatira kasi dati si Alma sa Cypress Village na konting ulan lang, baha na. Ewan ko lang kung nakatapos ito ng high school. Nagtatanong lang po.

Naging asawa lang niya si Joey Marquez na naging mayor ng Parañaque, nag-ambisyon na ng mataas na posisyon na hindi ko alam kung kabaliwan na ito, senador?!

ADVERTISING

Calling the attention of Sen. Bong Revilla, baka ito na ang magdadala sa iyo ng kamalasan sa pulitika. Kaya habang maaga pa, pag-iisipan n’yo nang mabuti ang pinaggagagawa n’yo.

Ano ba ang magandang imahe ni Alma sa ating bansa? May mga nagawa ba siyang maganda kahit sa kanyang nasasakupan sa Parañaque? Tanong ko lang, ayos na ba ang problema niya sa walis? Hindi masamang mag-ambisyon, kasi sa lahat ng bagay, ito ang hindi binabayaran. Pero sana naman ‘yung tamang ambisyon para hindi ka mapulaan.

Alam kaya nina Dolphy at Joey Marquez? At siguro kung buhay pa si Rudy Fernandez, isa ‘yan sa hindi papayag na mapabilang si Alma sa tiket ni Sen. Bong. Kasi kaibigang matalik ni Bong si Rudy at ayaw niyang mapahamak si Bong.

Nagtatanong lang ako, ano ang gagawin ng isang Alma Moreno sa Senado? May kakayahan ba siya sa kanyang kaalaman? Pakisagot nga Sen. Lito Lapid.

Kung si Sen. Miriam Defensor-Santiago ang tatanungin, isang sagot lang ang sasabihin niya: You gotta be kidding! Hindi siya katulad ni Sharon Cuneta na kahit papa’no, mas may alam sa pulitika. Una, anak siya ng isa sa pinakamatagal na nanungkulang mayor sa Pasay, si dating Mayor Pablo Cuneta (RIP). Pangalawa, asawa siya ni Sen. Kiko Pangilinan. At pangatlo, siya ang iniendorso ni Sen. Miriam.

Sorry po, hindi ko minamaliit ang kakayahan ni Alma Moreno. Kaya lang, ‘yan ang   aking opinyon. Respe-tuhin na lang po. At sana, makara-ting ito kay Alma. Kasi, hindi ganda ang labanan sa Senado, kundi ang kaalaman. Pero teka, may ganda pa ba siya?! Ikaw na!

 

ISA PANG nakakalokang hindi ko maintindihan, na kinausap daw ni Dina Bonnevie ang GMA management at may proposal daw siyang inilapit na sila ng kanyang asawa sa kasalukuyan na si Ilocos Sur Vice Gov. DJ Savellano, na sila ang magpo-produce ng show ni Dina na ilalabas sa Siyete.

Kaloka as in, na gusto raw ni Ms. D na muling bumalik sa talk show hosting tulad ng mga nauna niyang shows. Pero teka, sa aking pagkakaalam, laging second choice lang itong si Dina ‘pag nagkakaroon ng show, at hindi naman nagtatagal sa ere.

Nasabi ko ito kasi nakasama ko na ito sa isang talk show, remember? Sa Channel 9 , ‘yung Actually… ‘Yun Na! Dating si Kris Aquino at Arnell Ignacio ang nakasama namin. Na-buntis at nanganak si Kris, pero nangako si Kristeta na pagka-panganak niya, babalik siya sa show, kasi napakataas ng rating at nanalo pa ng award sa PMPC na Best Showbiz-Oriented Talk Show.

Pero hindi tinupad ni Kris ang pangako niya, kaya pinalitan ni Dina, at si Willie Revillame naman ang pumalit kay Arnell, kasi bumalik si Arnell sa Katok mga Misis nang mamatay si Giovanni Calvo. Ayon si Kris, nasa GMA-7 na rin sa Startalk. Take note, hindi nagtagal, tsugi ang show namin, kasi bagsak sa rating as in zero.

Alam kong matalino si Ms. D, pero wala siyang x-factor sa hosting. At take note, kung sino ang tatapatan ni Dina, si Kris or Sharon Cuneta. Any way, why not? Kung husay at credibility ang pag-uusapan, na kay Dina lahat ‘yan. Kaya lang, wala siyang suwerte sa hosting. Mas okay pa yatang siya ang pumalit kay Alma Moreno na tumakbong senador, may laban pa.

Kasi si Dina ay isang Bicolana at karamihan ng mga Bicolanong senador, panalo, tulad nina Helena Benitez, Kalaw at Jamby Madrigal. Tutal ang asawa niya ngayon ay isang pulitiko. Sey mo, sey ko? ‘Yun na!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING