Sa paglayas sa Dos: Bayani Agbayani, walang utang na loob?! – Alex Brosas

ADVERTISING

Sa paglayas sa Dos: Bayani Agbayani, walang utang na loob?! - Alex Brosas

Sa paglayas sa Dos: Bayani Agbayani, walang utang na loob?! - Alex BrosasLILIPAT NA PALA si Bayani Agbayani sa GMA-7.

ADVERTISING

Nakatakdang ilunsad si Bayani bilang pinakabagong Kapuso star next month. Ang nakarating sa aming tsika, two shows ang kaagad na sasalangan ng komedyante.

Actually, last year pala ay nagbabalak na si Bayani na layasan ang Dos. Feeling kasi niya ay napapabayaan na siya. Wala siyang regular show ngayon sa Kapamilya network at pa-guest-guest na lamang siya sa mga programa ng istasyon.

Nilayasan na rin pala ni Bayani ang matagal na niyang manager na si Angge (Cornelia Lee sa totoong buhay). Medyo na-shock nga raw si Tita Angge dahil hindi niya akalain na gagawin sa kanya iyon ni Bayani. Nu’ng walang-wala pa kasi ang komedyante, si Angge lamang ang nagtiyaga na i-build-up siya. Paekstra-ekstra pa lamang siya noon at taga-hawi pa lang siya ng mga tagahanga ni Randy Santiago sa noontime show.

ADVERTISING

Si Angge ang nagpasikat kay Bayani. Lahat ng kanyang inaning tagumpay ay utang na loob niya sa magaling na manager. Pero, nagbago ang ihip ng hangin. Ginusto na ng komedyante na magpalit ng bagong environment.

Kung sabagay, sa GMA naman talaga siya nagsimula. Kaya, hindi kami magtatataka na sa nasabing network din siya bumalik.

Ang bagong manager ni Bayani ay si Noel Ferrer na raw.

Ang tanging regular show ni Bayani ay sa TV 5. Isa itong kiddie show na siya ang host.

With his transfer, mawala na rin kaya ito?

Ang nakatutuwa, kinuha pala si Bayani na mag-host ng Talentadong Pinoy. Hindi lamang daw nagkasundo sa talent fee ang kanyang manager na si Angge at ang management ng TV 5. Ayun, napunta kay Ryan Agoncillo ang hosting job for the said show na number one ngayon sa TV 5.

AWA ANG NARAMDAMAN namin kay Patrick Garcia nang ikuwento niya na may nakita siyang maliit na gloves noong nasa Prague sila for the taping of Full House na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Richard Gutierrez.

Ang unang pumasok sa isip ng aktor ay ang ibili ang anak niyang si Alex Jazz ng gloves.

“Noong nandoon kami sa Prague, pumunta kami ni Richard sa isang store. May nakita akong gloves na maliliit. Maganda, may pang-baby. Parang I wanted to buy it kaso hindi ko alam ang size. Gusto ko sanang bumili pero hindi ko pa nga nakikita ang anak ko,” tsika ni Patrick.

So, ano ang binili niyang gift para sa kanyang anak?

“Secret!” Mabilis na sabi ni Patrick.

Hindi binibigyan ng aktor ng deadline kung kailan niya makikita ang kanyang anak.

“Wala akong sasabihin na date basta gagawin ko na lang. Siyempre, the mother has always the… I respect her. Gusto ko siyang maging masaya kapag nakita ko ang anak ko.”

Naniniwala siya na may possibility pa rin na ipakita ni Jennylyn Mercado ang kanilang anak sa kanya.

“Tingin ko naman meron. Hindi naman ganoon kasama si Jen.”

Sabi ni Patrick, nag-text na siya ng ilang beses kay Jen.

“I have four of her numbers. Nag-text ako. Hindi ko alam kung sa kanya pa rin ang mga numbers na iyon. Pero wala siyang reply. Feeling ko, hindi sa kanya iyon.”

Bakit hindi na lang niya tawagan si Jen para mas personal?

“Ayaw kong tumawag. Mas maganda iyong iparamdam ko muna.

Kinumpirma ni Patrick na lumalabas sila ni Glaiza de Castro after nilang gawin ang Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

“Nagkikita pa rin pero hindi na madalas. Kami nina JC at Maxene, kami ang mga close. I’m happy nga na paminsan-minsan nangyayari iyon kais after ng project hindi nangyayari iyon.

So, dyowa na niya si Glaiza?

“We’re very good friends. I like her pero it’s better na dahan-dahan muna. Trabaho muna.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING