SA PAGLAYAS NI JAMES REID SA VIVA: JaDine, bubuwagin na?

ADVERTISING

ADVERTISING

SA PAGLAYAS NI JAMES REID SA VIVA: JaDine, bubuwagin na?
Nadine Lustre and James Reid

ADVERTISING

MARAMI ang nabigla sa desisyon ni James Reid na kumalas sa Viva Artists Agency (VAA), na nagpasikat sa Fil-Australian star.

Kahit na nanalo sa third season ng Pinoy Big Brother Teen Edition si James, hindi ito nabigyan ng break katulad ng past winners ng programa na sina Kim Chiu at Ejay Falcon. Instead, naging ‘one of those’ lang ang then teen actor hanggang sa completely ay nawala sa radar.

Nagbago ang lahat nang mapunta sa poder ng VAA si James. Binigyan ng training at ng break bilang isang OPM singer. Eventually ay itinambal ito sa talented but then-unknown teen actress na si Nadine Lustre at nagdesisyon ang Viva na gawin silang bida sa ‘Diary ng Panget’ noong 2014 na based sa best-selling Wattpad novel.

Then JaDine was born.

The reel turned real loveteam have a number of box-office hits under their belt. Mula sa Diary ng Panget to Talk Back and You’re Dead to Para sa Hopeless Romantic to This Time and ang Never Not Love You, kung saan napansin ang husay ni Nadine sa pag-arte at ilang beses na siya nanalo ng Best Actress award.

Breakthrough din on TV ang ‘On the Wings of Love’ nila at in a way ay nagkaroon din naman ang ‘Till I Met You’.

SA PAGLAYAS NI JAMES REID SA VIVA: JaDine, bubuwagin na?
Nadine Lustre and James Reid

Lately ay sa music na mas nagco-concentrate si James while si Nadine ay patuloy ang pag-ulan ng blessings at pag-indak bilang solo artist. Supposedly ay si James ang gaganap na Pedro Penduko, but cancelled na rin siya sa proyekto.

Ang balita namin ay ang ama na niya ang magmamanage ng kanyang career.

Now the question is, may JaDine pa ba on the big screen? No question na solid pa rin ang mag-irog in real-life, pero end na ba ng kanilang tambalan sa pelikula now that James is out of Viva at mukhang Nadine has no plans of following him? Abangan natin!

ADVERTISING