Sa paglala ng hiwalayan nila ni Raymart Santiago
Claudine Barretto, pinagdududahan na rin ng mga taong malalapit sa kanya?!

ADVERTISING

<i>Sa paglala ng hiwalayan nila ni Raymart Santiago</i><br>Claudine Barretto, pinagdududahan na rin ng mga taong malalapit sa kanya?!

<i>Sa paglala ng hiwalayan nila ni Raymart Santiago</i><br>Claudine Barretto, pinagdududahan na rin ng mga taong malalapit sa kanya?!ISA SA mga araw na ito ay magsasalita na rin si Raymart Santiago tungkol sa hiwalayan nila ni Claudine Barretto.

ADVERTISING

Hindi na mapigilan at lumalala na ang isyu, dahil nag-file na si Claudine Baretto ng Temporary Protection Order laban kay Raymart.

Nu’ng Lunes ng umaga siya nagsampa sa Marikina-RTC at alam ko kahapon ng hapon ay nagkaroon na ng hearing,

Umiiyak pa raw si Claudine nang magsumpa ito sa kasong isinampa niya.

ADVERTISING

<i>Sa paglala ng hiwalayan nila ni Raymart Santiago</i><br>Claudine Barretto, pinagdududahan na rin ng mga taong malalapit sa kanya?!Ang sabi raw ng abogado niya na si Atty. Ferdie Topacio, pakiramdam daw ni Claudine hindi na siya safe kahit sa sarili niyang tahanan.

Ano kaya ang ginawa sa kanya ni Raymart? Nakausap ko naman si Raymart at ewan ko lang ha? Parang naniniwala ako sa aktor.

Magsasalita rin daw siya sa tamang panahon. Sa ngayon, nakikipag-usap pa ito sa mga abOgado niya para harapin nila ang kasong ito.

Meron pa nga raw silang video na sinabi ni Claudine na maaaring lumabas daw sa kampo ni Raymart.

Makakausap ko rin si Raymart at magsasalita rin ito sa Startalk para maipagtanggol naman niya ang kanyang sarili.

Base sa mga nakakausap ko, parang mas naniniwala sila kay Raymart, eh.

Kahit nga raw ang ibang taong malapit kay Claudine ay parang ayaw nang maniwala sa kanya, dahil hindi na raw nila alam kung alin ang totoo sa mga sinasabi niya.

Nakakapanghinayang lang, dahil ang dami nang pinagdaanan ng relasyon tapos ngayon parang ang bilis nawala ang love nila sa isa’t isa.

Ganu’n lang kadali ‘yun o matagal na ang problema nilang mag-asawa, kaya umabot na sa hiwalayan?

Sayang lang talaga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING