Sa pagladlad ng apo sa national TV
Lola ni Charice, nagkasakit sa sama ng loob

ADVERTISING

<i>Sa pagladlad ng apo sa national TV</i><br>Lola ni Charice, nagkasakit sa sama ng loob

<i>Sa pagladlad ng apo sa national TV</i><br>Lola ni Charice, nagkasakit sa sama ng loobTAPOS NA yata ang isyung hiwalayan nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang dahil nagsulputan na ang kung anu-anong malaking isyu, ha!

Isa na rito ang pag-come out ni Charice na isa nga siyang tomboy.

‘Yun na lang naman ang hinihintay ng lahat dahil nakikita namang tibo nga siya at lalo pang napag-usapan nang umalis na ito sa poder ng Mommy niya at sumama na raw ito sa napabalitang dyowa niyang si Alyssa Quijano.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda, doon na niya inilahad lahat.

ADVERTISING

Ang hinihintay na lang ngayon ay ang mga sasabihin ng Mommy niya at ng lola na nakasamaan niya ng loob.

Nakausap ng Startalk ang lola ni Charice at masamang-masama raw ang loob nito. Parang ayaw pa nga niyang magsalita dahil nagkasakit na ito sa sobrang sama ng loob.

Sabi raw ng lola ni Charice, tanggap na tanggap naman daw siya sa desisyon nitong pag-out. Sino pa nga raw ba ang puwedeng umintindi sa kanya kundi ang pamilya niya.

Lalo na raw ang lola niya na dinig ko isa rin daw itong tomboy, kaya siyempre maintindihan din nito.

Kaya, bakit pa raw sa TV siya unang umamin? Bakit hindi raw nito binukas muna sa kanyang pamilya, dahil sila naman daw ang unang makakaintindi at susuporta sa kanya.

<i>Sa pagladlad ng apo sa national TV</i><br>Lola ni Charice, nagkasakit sa sama ng loobSa ngayon ay nakatira raw si Charice kay Alyssa Quijano na sinasabi nitong inspirasyon niya. Pero sana magkasundo na sila ng Mommy at ng lola niya.

Kahit nakuha na niya ang kalayaan sa tunay niyang pagkatao, iba pa ring tanggap na tanggap ka ng pamilya mo, ‘di ba?

Naku! Abangan n’yo na lang ang update namin sa kuwentong ito.

 

KASABAY NA rin sa pag-out ni Charice, may bagong drama series ang GMA-7 na parang ganito ang tema.

Medyo daring itong gagawin nila na My Husband’s Lover na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Kuwento ng magdyowang bading na sina Dennis at Tom na dyowa rin si Carla.

Bongga ang plot ng kuwento at kakaiba kaya malamang exciting ito at susubaybayan ng mga manonood.

Ang inaabangan ng mga beki, kung magkakaroon ba ng kissing scene sina Dennis at Tom.

Siyempre, ‘yung puwede lang sa TV dahil nakabantay ang MTRCB ni Chairman Toto Villareal, ‘di ba?

‘Yun na! Abangan n’yo na lang ang My Husband’s Lover sa GMA Telebabad.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING