Sa pagkukumpara ni Kris Aquino kay James Yap
Philip Salvador, lumalabas na ‘di kayang ipaglaban ang karapatan sa anak

ADVERTISING

<i>Sa pagkukumpara ni Kris Aquino kay James Yap</i><br>Philip Salvador, lumalabas na ‘di kayang ipaglaban ang karapatan sa anak

<i>Sa pagkukumpara ni Kris Aquino kay James Yap</i><br>Philip Salvador, lumalabas na ‘di kayang ipaglaban ang karapatan sa anakMARAMI SA mga kaibigang taga-showbiz na nagmamahal kay Philip Salvador ang nalungkot at nagsimpatiya sa magaling na actor nitong huli, na sa pagkukumpara ni Kris Aquino sa mga ama ng kanyang mga anak na sina Joshua at Baby James ay purihin ng kontrobersiyal na TV host ang pananahimik ni Kuya Ipe tungkol sa pagiging ama niya sa panganay na anak ni Tatay, dahil wala naman talagang eksenang ginagawa ang brother ni Kuya Ramon Salvador.

ADVERTISING

Sa dami kasi ng mga kabigan ni Philip sa showbiz, alam na alam nila na kahit sobrang nananahimik si Kuya Ipe tungkol sa pagiging ama niya ni Joshua, naroon naman ang sobrang kalungkutan ng actor, dahil mahirap ang sitwasyon. Walang ama na hindi naghahangad na makasama ang kanyang anak. Pero sa ngayon, puro mukha ni Kris Aquino ang makikita mo sa telebisyon na naipangangalandakan kung papaano niya binubuhay ang kanyang mga anak.

Sikat at mayaman kasi si Kris. Talagang nasa ibabaw siya ngayon. Down kasi si Kuya Ipe ngayon, at ayaw niya ng magulong buhay. Ang pagkakaiba lang ni Kuya Ipe kay James Yap, tinatapatan at binubuweltahan ni James ngayon ang kanyang ex-wife tungkol sa usapin ng kanyang paging ama ni Bimby. Napakatalinong tao ni Kris, pero hindi pa talaga niya kayang mangyari, na kahit magkakaiba ang mga ama ng kanyang mga anak, maging plantsado ang lahat at magbinata sina Joshua at Bimby nang maluwag nilang natatanggap sa buhay nila, na mayroon talaga silang ama at hindi si Kris ang lagi lang nilang nakakasama.

<i>Sa pagkukumpara ni Kris Aquino kay James Yap</i><br>Philip Salvador, lumalabas na ‘di kayang ipaglaban ang karapatan sa anak

ADVERTISING

NAPATUNAYAN TALAGA ni Bea Alonzo ang kanyang pagiging mabuting tao, dahil bilang artista ay wala naman talaga sa kartada niya ang manira ng kanyang kapwa. Ang laki-laki niyang babae, na kung sa tapang ay puwede naman siyang magtapang at patulan ang mga nagiging kakontra niya sa showbiz. Pero sa maraming pagkakataon, pinipili na lang niya ang mas maging matahimik na lamang kesa naman laging magkaroon ng isyu na ang dating ay nakikipag-away siya.

Ang tagal nanahimik ni Bea tungkol sa maagang natapos na relasyon nila noon ni Gerald Anderson. Mahirap na sitwasyon iyon, dahil kung anuman ang puwede niyang sabihin ay baka makasira sa career ni Gerald, na nu’ng time na iyon ay sikat na sikat talaga dahil napapatunayan na sa showbiz ang kanyang sarili. Marami ang nahiwagaan kung bakit nawala na lang basta ang isyu tungkol sa kanila ni Gerald, pero iyon pala ay dahil planado niya ang lahat.

Bilang artista na nasa bakuran ng Kapamilya network, totoo kay Bea ang damdamin na kapag kasama mo sa bakuran ng kanilang home studio, kapamilya talaga dapat ang turingan. Minahal din niya si Gerald, pero ayaw niyang manumbat, dahil mas pinili niyang matapos na lang ang kanyang pagmamahal. Magkatulad nga ang ugali nina Bea at ng kanyang bestfriend na si Shaina Magdayao, na kasama rin niya sa pelikulang Four Sisters And A Wedding ng Star Cinema. Pareho silang marunong manahimik, kahit sila na ‘yung nasasaktan, huwag lang maging iskandalo ang isyung kinasasangkutan nila kung damay ang mga taong kanilang minahal.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING