Sa pagkapanalo ng Best Supporting Actress sa MMFF
Maine Mendoza, pinangunahan na ang bashers

ADVERTISING

 alt=

Maine-MendozaPinangunahan na ni Maine Mendoza ang kanyang bashers bago pa siya putaktiin ng mga ito matapos na manalong Best Supporting Actress para sa pelikulang “My Bebe Love #KiligPaMore” sa 41st Metro Manila Film Festival Awards Night na ginanap Linggo ng gabi, December 27, sa KIA Theater, Cubao, Quezon City.
Sa Twitter post ni Maine ngayong umaga, December 28, tila nasorpresa pang sina niya na: “Bago pa ako i-bash ng sambayanan, mauuna na ako? Bakit ako? Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!”
Unang pelikula pa lang ni Maine Mendoza ang naturang MMFF entry na nakilala sa kalyeserye ng “Eat… Bulaga!” bilang si Yaya Dub, kung saan din nagsimula ang phenomenal loveteam nila ni Alden Richards.
Kasalukuyang nagbabakasyon si Maine sa Japan kasama ang kanyang pamilya kaya hindi ito nakadalo sa awards night.
Tinalo ni Maine sa pagka-Best Supporting Actress ang beteranang aktres na si Nova Villa at ang award-winning actress na si Iza Calzado.
Maliban sa Best Supporting Actress, pinanalunan din ng “My Bebe Love #KiligPaMore” ang Third Best Picture at Gat Antonio Villegas Cultural Award.
Kasalukuyan ding nangunguna ngayon ang pelikula sa box-office race ng lahat ng kalahok sa MMFF 2015.

ADVERTISING

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING