Sa pagkaligwak sa “Eat Bulaga” Keempee de Leon, parang iniwan sa ere

ADVERTISING

Sa pagkaligwak sa “Eat Bulaga” Keempee de Leon, parang iniwan sa ere

Isang malaking palaisipan ang pagkaligwak ng TV host at comedian na si Keempee de Leon sa programang “Eat Bulaga” ng TAPE, Incorporated sa GMA 7. 

ADVERTISING
Sa pagkaligwak sa “Eat Bulaga” Keempee de Leon, parang iniwan sa ere
Keempee de Leon

Ayon kay Keempee, kahit siya, hindi niya alam ang dahilan kung bakit bigla na lang daw siyang naligwak sa nasabing programa. 

Kamakailan lang, naka-chikahan namin si Keempee. Aniya, “Sa totoo lang, kung tatanungin n’yo ako kung ano ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ako sa “Eat Bulaga”, kahit ako, hindi ko alam ang dahilan.

“Ilang beses ko na silang tinanong, but I don’t get straight answers. Kaya ang feeling ko, iniwan ako sa ere. ‘Yung parang, ‘Ano ang nangyari?’”

ADVERTISING

Kuwento pa ni Keempee, nagsimula raw ang lahat nang mag-leave siya sa “Eat Bulaga” noong November 2015 dahil nagkaroon siya ng teleserye sa Kapuso network din, ang “Little Nanay”. Dahil three times a week ang taping at inaabot sila ng madaling-araw, nahirapan daw siyang mag-report sa “Eat Bulaga” araw-araw.

“Nagpaalam naman ako nang maayos sa kanila. Nagpaalam ako kay Tita Malou (Choa-Fagar), kaya walang issue roon.

Sinabi pa niya na mag-concentrate muna ako sa taping ng ‘Little Nanay’, tapos mag-report ako sa ‘Eat Bulaga’ kapag natapos na,” pahayag ni Keempee.

Pagkatapos daw ng seryeng “Little Nanay”, agad na nag-report si Keempee sa “Eat Bulaga” pero pina-stand by lang daw muna siya. Hanggang umabot hanggang ngayon, dedma na raw ang nasabing programa. 

Nakausap na rin daw ni Keempee ang daddy niyang si Joey de Leon kaugnay ng usaping ito.

“Yes! Nasabi ko na, pero wala akong nakuhang sagot, parang ayaw niyang pag-usapan ito,” aniya. 

Ayon pa kay Kempee, recently lang, inamin na raw sa kanya ng exective producer ng TAPE na si Malou na hindi na raw muna siya makababalik sa programa. Ayon na rin daw ito sa big boss ng TAPE na si Mr. Tony Tuviera. 

Agad naman daw sumulat si Keempee sa nasabing big boss, pero hanggang ngayon, wala pa rin daw siyang nakukuhang sagot, as in dedma. ‘Yun nah!

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING