SA PAGKALADKAD SA KA-BROMANCE NIYA: Mark Bautista “tell-all” book, sulit ba?

ADVERTISING

SA PAGKALADKAD SA KA-BROMANCE NIYA: Mark Bautista "tell-all" book, sulit ba?

SA PAGKALADKAD SA KA-BROMANCE NIYA: Mark Bautista "tell-all" book, sulit ba?
Mark Bautista’s “Beyond the Mark” book cover

TELL ALL DAW ang laman ng libro ng singer na si Mark Bautista na nakatakda i-release today (Valentine’s Day) ayon sa information na nakarating sa amin.

Sa katunayan, happy kami sa coming-out from the closet ni Mark na noon pa man ay pinaghihinalaan na ng mga taga-showbiz na beki ang singer-stage actor at nali-link nga ito sa isang hunk actor na siya ang dahilan ng breakup ng aktor at ang celebrity girlfriend nito.

Hindi isyu ang pagiging bading or pagiging AC/DC na pwede makipagtalik at makipagrelasyon sa lalaki or babae or whatever.

Ang isyu ng karamihan ay ang pagkaladkad ni Mark sa katauhan ng naka-bromance niya gayong tapos na ‘yun at nakaraan na kahit hindi niya pinangalanan sa isang chapter ng kanyang libro.

ADVERTISING

Sa totoo lang, waley pa rin. Sa mga foreign autobiography ng mga international celebrities ay totoong tell-all ang confessions nila. In short, mayroong balls ang pag-amin.

SA PAGKALADKAD SA KA-BROMANCE NIYA: Mark Bautista "tell-all" book, sulit ba?
Mark Bautista

Kung waley din naman katotohanan at tapang sa paglalahad, para saan pa ang pagbili ko ng libro?

Sabi tuloy ng isang tabloid editor sa amin: “Teh, binaklang blind item. Ano yun? Panis teh ang confession,” sabi nito sa amin.

Agree or Disagree?

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING