Sa pagkakamabutihan daw nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz Derek Ramsay, magsasalita na!

ADVERTISING

Sa pagkakamabutihan daw nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz Derek Ramsay, magsasalita na!

Sa pagkakamabutihan daw nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz Derek Ramsay, magsasalita na!BUKAS SA Paparazzi Showbiz Exposed, 11:30 ng umaga, magsasalita na si Derek Ramsay tungkol sa mga bagong development sa isyu ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban. Bali-balita kasing nagkamabutihan na raw sina Angel at John Lloyd Cruz at palagi raw nakikita sa condo ng dalaga si Lloydie. Ano kaya ang alam ni Derek tungkol dito?

ADVERTISING

Sad namang ibinalita sa amin ni Derek na hindi na siya ang magho-host ng Miss World Philippines 2012 dahil isang buwan na siyang mawawala sa sirkulasyon dahil lili-butin na niya ang buong Pilipinas para sa Amazing Race Philippines. Happy naman siya at napansin ang kanyang acting sa No Other Woman ng Yahoo OMG! Awards, kung saan nominado siya bilang best actor at isa rin sa mga nominado ay si John Lloyd. What a coincidence. Goodluck sa kanilang dalawa!!!

 

MADALING-ARAW PA lamang noong Martes, June 5 ay nasa airport na kami upang salubungin ang tropa ng Kapatid Stars galing sa dalawang matagumpay na launching sa Los Angeles at San Francisco, California. In fairness, puno ang dalawang venue ng mga Pinoy na gustong makadaupang palad sina Willie Revillame, Derek Ramsay, Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez, Camille Villar, Aga Muhlach at ang nag-iisang Superstar na si Miss Nora Aunor.

ADVERTISING

Bungad nga sa amin ni Willie, walang pagsidlan ang kanilang saya dahil talaga nga namang pinipilahan ang kanilang dalawang shows at marami na ring mga kababayan natin doon ang nag-subscribe agad sa Dish Network, ang carrier ng TV5 Internatioonal sa Amerika. Ang problema raw ng mga taga-Dish Network ay ang pagkakabit naman nang sabay-sabay ng mga satelite dish sa mga subscriber. Manpower naman daw ang inatupag ng Dish upang mapabilis ang pagtugon sa mga gustong makapanood ng mga TV5 shows.

Puring puri naman ni Ruffa si Kuya Will. Aniya, napakabait na ‘boss’ si Willie dahil napaka-hands on daw talaga nito at alagang-alaga ang lahat ng mga artista at staff.

Mapapanood ang buong show ng Wiltime Bigtime sa Amerika sa Hunyo sa TV5, abangan.

 

NAKASALUBONG NAMIN si Eduard Bañez sa lobby ng Net25 nang dumalaw kami sa aming kaibigan doon. Masaya na si Eduard sa takbo ng kanyang career sa nasabing istasyon. Matatandaang si Eduard ay naging kontrobersyal noon sa mga blogs dahil sa isyung hindi na namin sasabihin dahil maselan.

Masaya niyang ikinuwentong pinagkatiwalaan siya ng Net25 sa mga shows nila. Aniya, “Ang show ko po eh, Homepage Net25 morning show, then news po sa gabi, Eagle News evening edition. Then next week, mag-start na ako sa Pinas FM 95.5.”

Sa pagkakamabutihan daw nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz Derek Ramsay, magsasalita na!

Napanood din natin dati si Eduard kasama si Keanna Reeves at Arnell Ignacio sa Aksyon TV via Patol sa madaling-araw. Nakatanggap din si Eduard ng awards mula sa Philippine Tatler bilang ‘Top 8 Icon Cutest TV host in the Metro’ at binansagang ‘Socialite Guy’ ng Pilipinas.

Sa ngayon, madalas sa Bataan si Eduard dahil tinutulungan niya ang kanyang kaibigang si Onemig Bondoc sa pag-iikot sa probinsiya. Tatakbo kasi si Uno du’n bilang Vice Governor sa darating na election.

Goodluck Eduard, sana nga makamit mo na ang hinahangad mong tagumpay sa larangan ng broadcasting!

 

PAKISUYO NG aming kaibigan na nagma-manage ng canteen sa TV5 ang kanilang Batch Reunion this coming August 1, 2012. Tinatawagan niya ang kanyang mga ka-batch sa Judge Juan Luna High School Batch ‘95 na ma-kipag-ugnayan sa kanya sa cellphone number 0908-1905632 o ‘di kaya ay sa Administration ng school, telepono bilang 0915-2577165 at 09498984125. Tawag na!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING