Sa pagkakadawit sa hiwalayang Piolo Pascual-KC Concepcion Mark Bautista, umaming nasaktan!

ADVERTISING

Sa pagkakadawit sa hiwalayang Piolo Pascual-KC Concepcion Mark Bautista, umaming nasaktan!

Sa pagkakadawit sa hiwalayang Piolo Pascual-KC Concepcion Mark Bautista, umaming nasaktan!

ADVERTISING

NAKAUSAP NAMIN si Mark Bautista sa party ng Talent Agency Organizations o TAO noong Martes sa Resorts World Manila at inusisa namin siya tungkol sa kontrobersiyang Piolo Pascual at KC Concepcion break-up. Nadadamay kasi ang pangalan niya sa nasabing isyu.

Nagpaunlak naman si Mark sa amin at iba pang entertainment press at ayon pa sa kanya, sobrang malaking pagsubok ‘yung isyu na ‘yun para sa kanya noong 2011. Naka-move on na raw siya ngayon at abala siya sa bago niyang soap sa GMA na Legacy.

Inamin niyang naapektuhan siya sa issue dahil, “Tao lang din naman ako.”

ADVERTISING

Buti na lang daw at marami siyang kaibigan na nagpaabot ng suporta at mga kapamilyang nagbibigay ng comfort.

Sa huli, tinuldukan na ni Mark ang issue dahil ayon pa sa kanya, tapos na ‘yun at naka-move on na lahat.

 

ISANG ARAW matapos manganak si Priscilla Meirelles sa panganay nila ni John Estrada, tinanong agad namin si Janice de Belen kung anong masasabi niya na nanganak na ang asawa ng kanyang dating mister. Natatawa lang siya at sagot sa akin, kailangan pa ba akong mag-comment? Sagot namin sa kanya, mensahe na lang niya sa dalawa. Nag-smile lang ito at sabay sabing, “Congrats,” ‘yun lang daw ang masasabi niya.

Ganu’n. Well hindi na namin pinilit pa ang isa sa mga hosts ng SIR (Showbiz Inside Report) at inusisa na lang namin siya tungkol sa bago nilang talk show. “Kinakabahan pa rin talaga ako, kailangan kasing hindi lalaylay ‘yung takbo ng interview kaya pinaghandaan ko talaga siya.”

Well, goodluck na lang, Miss Janice, sa mga future interviews mo. ‘Yun na!

Sa pagkakadawit sa hiwalayang Piolo Pascual-KC Concepcion Mark Bautista, umaming nasaktan!

LOVE TALAGA namin si Daniel Matsunaga dahil palagi niya kaming pinagbibigyan ng panayam kahit saan kami magkita. At nitong nakaraang Martes, sa TAO party pa rin, inusisa namin siya tungkol sa balitang diumano ay nagli-live in na sila ni Heart Evangelista. Natatawa lang si Daniel at tanong niya, palaging may mga ganu’ng issue at saan daw nanggaling ‘yun.

Ang totoo raw, bumibisita siya sa bahay ng girlfriend, at si Heart daw ay ganu’n din. Pero live in issue ay hindi raw totoo.

Itinanggi din niyang nagpa-secret marriage sila sa Brazil. ‘Yun na!

 

BUKAS, FEBRUARY 11, 2012, sa ganap na ala una y medya ng hapon sa TV5, naka-takdang sumahimpapawid ang Paparazzi Showbiz Exposed sa bago nitong timeslot. Kaya pakatutukan mga Kapatid ang mga maiinit na usapang showbiz sa pinakaunang talkshow sa weekend.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING