Sa pagkaka-link ni Elmo Magalona kay Lauren Young
Julie Anne San Jose, wala raw siyang pakialam!

ADVERTISING

<b>Sa pagkaka-link ni Elmo Magalona kay Lauren Young </b><br> Julie Anne San Jose, wala raw siyang pakialam!

<b>Sa pagkaka-link ni Elmo Magalona kay Lauren Young </b><br> Julie Anne San Jose, wala raw siyang pakialam!MAINGAY NA napag-uusapan lately ang isyung girlfriend daw ni Elmo Magalona si Lauren Young (kapatid ni Megan Young). Siyempre pa, hindi maiwasang matanong tungkol dito ang ka-loveteam ng young actor na si Julie Anne San Jose.

“I guess wala naman po akong say do’n,” sabi ng dalaga. “It’s none of my business. And kumbaga… kung saan po si Elmo, do’n din talaga ako. And if ever po na totoo ‘yong rumor, siyempre ano… I leave everything to the network. Kumbaga, ang goal lang po namin ni Elmo is to entertain a lot of people. And to make them happy.”

May advice ba sa kanila ang GMA-7 na umiwas silang ma-link sa iba alang-alang sa kanilang loveteam?

“No, I don’t think so. Wala naman pong ina-advice sa amin na kailangan bawal magkaroon ng ibang… ‘yong sa personal. Hindi naman po kami pinagbabawalan na magkaroon ng relationship with other people kapag may ka-loveteam. Kasi personal na buhay na po ‘yan na pinag-uusapan, eh.”

ADVERTISING

Napag-uusapan ba nila ni Elmo ngayon ang tungkol sa pagkaka-link nito kay Lauren?

“I’d rather not comment on that. Hindi pa naman po confirmed kasi.”

May mga fans sila ni Elmo na magagalit sakali ngang totoo ang nabanggit na tsismis. Paano kaya niya ipagtatanggol sa mga ito ang kanyang ka-loveteam?

“Uhm… ang hirap naman ng tanong!” natawa ang young actress. “Siguro pag-uusapan muna namin ni Elmo. ‘Di ba?”

Ayaw raw niyang maunang magtanong kay Elmo about it. Naghihintay raw siyang magkusa ito na mag-open up sa kanya.

“Ako kasi ‘yong tipo ng tao na… hindi talaga ako matanong. Na pipilitin kong pasagutin siya or something. Basta kung ano lang ‘yong lumabas from him. And kung ano lang ‘yong ikuwento niya, iyon lang ‘yon. Ia-absorb ko na lang. Kami ni Elmo, we’re working professionally. Labas ‘yong tungkol sa mga personal na bagay.”

‘Yon na!

 

ISA SI Barbie Forteza sa mga nai-launch na TIMEbassadors ng Uni Silver Time kamakailan. Kasama niya bilang endorsers din ng nasabing time piece si Enzo Pineda at ang iba pang Kapuso tween stars na sina Julie Anne San Jose, Bea Binene, Joshua Dionisio, at Derrick Monasterio.

Marami ang nakapapansin, parang nagbu-bloom na siya nang husto ngayon. Dahil kaya may time na siya para sa lovelife ngayon?

“Wow!” nangiting reaksiyon ni Barbie. “Actually, wala. Wala nga akong time matulog nang sapat. Tuluy-tuloy ang trabaho, eh. And I’m only fifteen pa lang naman. So, bata pa ako para sa mga ganyang bagay.”

Sobrang close na sila ni Derrick. Parang meron nang namumuong espesyal na samahan between them.

“Kasi nga po, araw-araw halos magkasama kami. Kasi gawa no’ng Luna Blanca na taping. Wala pong something special sa amin. At kung sakaling meron man, PR lang po lahat ‘yan!” biro pa niya.

Bagay rin daw sila bilang loveteam.   Ang fans tuloy ng tambalan nila ni Joshua Dionisio, naaalarma na baka maging kaagaw na ng young actor itong si Derrick bilang ka-loveteam niya.

“Actually, kahit ilang beses ko naman pong sabihin sa JoshBie (tawag sa supporters nila ni Joshua) na talagang trabaho lang talaga (kung naipapareha man siya sa iba), eh, ‘yong iba hindi talaga naiintindihan ‘yon. Kaya ayun, hayaan na lang natin. Kasi, kahit anong sabihin ko, hindi nila maiintindihan. Pero abangan nila, kasi may pasabog na ulit ang JoshBie. After Luna Blanca, may project na kami ulit ang magkasama.”

‘Yun naman  pala!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING