SA PAGKA-CONFINE NI JANELLA SALVADOR SA OSPITAL: ELMO MAGALONA, NAGING DOKTOR NG DALAGA

ADVERTISING

SA PAGKA-CONFINE NI JANELLA SALVADOR SA OSPITAL: ELMO MAGALONA, NAGING DOKTOR NG DALAGA

SA PAGKA-CONFINE NI JANELLA SALVADOR SA OSPITAL: ELMO MAGALONA, NAGING DOKTOR NG DALAGA
Elmo Magalona and Janella Salvador

ANG SWEET naman ni Elmo Magalona sa kanyang ”mermaid” na si Janella Salvador nang magkasakit ito last week sa sobrang taas ng lagnat at pananakit ng katawan.

During her confinement sa St. Luke’s Hospital along E. Rodriguez Ave. sa Kyusi, daig pa ni Elmo ang doctor ng dalaga sa pagtse-check ng estado ng development kalusugan nito na everyday ay siya ang nagpapainom ng gamot  nito at super effort na dalawin ito kahit may mga commitments siya.

Dahil sa pagkakasakit ni Janella, na-postpone ang taping ng show sa Kapamilya Network at ng hindi pagdating ng dalaga sa mall show nila sa Farmer’s Market last Sunday para sa promo ng mermaid movie na “My Fairy Tail Love Story” na produced ng Regal Entertainment, Inc; Regal Multimedia, Inc.; at Idea First Company sa direksyon naman ni Perci Intalan.

‘Yong naranasan ng dalaga na mataas na fever at pananakit ng katawan ay similar sa sintomas ng dengue na mabuti naman at hindi natuluyan.

ADVERTISING

Basta, say ni Elmo kung bakit gusto niya palaging makita si Janella: “She makes me very positive every day,” pahayag nito.

Sa bagong movie ng ElNella, makakasama ng dalawa sina Kiko Estrada, Kiray Celis, Dimples Romana, Kakai Bautista at si Kaladkaren Davila (as herself).

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING