SA PAGIGING DIREKTOR NG KANYANG “HERO”: Alden Richards, gusto makatrabaho si John Lloyd!

ADVERTISING

SA PAGIGING DIREKTOR NG KANYANG "HERO": Alden Richards, gusto makatrabaho si John Lloyd!

SA PAGIGING DIREKTOR NG KANYANG "HERO": Alden Richards, gusto makatrabaho si John Lloyd!
Alden Richards and John Lloyd Cruz

SA KANYANG pananahimik at pagla-lie-low sa kanyang showbiz career bilang isang artista, nakatutok pa rin ang mata ng publiko kay John Lloyd Cruz. Ang mga fans niya, lalo na ang mga miron sa showbiz, inaabangan ang kanyang muling pagiging aktibo sa showbiz lalo pa’t ang recent project ng aktor ay ang pagdi-direk ng music video ng bandang Sugar Hiccup na “Saturnine Nevermore”.

ADVERTISING

Kaya nga nang makausap si Alden Richards ng media during the Sine Sandaan event ng FDCP last Thursday, September 12 na isinagawa sa New Frontier Theater sa Araneta Center in Kyusi, without batting hid eyelashes, Alden said Yes!

“It would be an honor to be directed by your idol,” pahayag ng aktor na ang bago niyang teleserye sa Kapuso Network na The Gift ay magsisimula na ngayong gabi after Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

 Hero ang turing ni Alden sa idol niya na si Lloydie na siya din halos ang idol ng karamihang aktor, baguhan man or kaliga ni JLC. “John Lloyd Cruz is my hero pagdating sa acting. He inspired me to be a good actor. Eventually, pagpasok ko sa showbiz, we became friends.

ADVERTISING
SA PAGIGING DIREKTOR NG KANYANG "HERO": Alden Richards, gusto makatrabaho si John Lloyd!
Alden Richards

“Marami siyang ibinigay sa aking advice and isa siya sa una kong sinabihan when I got the part in Hello, Love, Goodbye.

“He just told me, ‘As long as you’re happy with your decision, okay yan. I consider him my mentor, my senior, kuya.”

Sa katunayan, yong sinabi sa kanya ng Kuya Lloydie ay inspirasyon at batayan ni Alden sa mga projects na dumarating sa kanya.

Wish ng binata na magkatrabaho sana sila ni Lloydie na hindi naman imposible tulad niya na isang pure at homegrown talent ng GMA Kapuso Network ay makakatawid sa ABS-CBN Kapamilya Network para gumawa ng pelikula tulad ng sa kanila ni Kathryn Bernardo na walang nakapagsabi na magkakaroon ng sakatuparan.

Tonight, Monday, September 16 ang premiere telecast ng The Gift ni Alden kung saan patutunayan na naman niya ang galing niya sa pag-arte sa teleserye.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING