Sa pagdating ni John Rendez Nora Aunor, nagluluka-lukahan na naman?!

ADVERTISING

Sa pagdating ni John Rendez Nora Aunor, nagluluka-lukahan na naman?!

Sa pagdating ni John Rendez Nora Aunor, nagluluka-lukahan na naman?! SA PRESSCON NG My Binondo Girl, habang on-going ang pagtatanong sa bida nito na si Kim Chiu at iba pang kasama sa cast, kasabay ring pinag-uusapan ng movie press ang isyung nagluluka-lukahan na naman daw si Nora Aunor.

Dumating lang daw kasi si John Rendez sa bansa recently, biglang ayaw na raw mag-shooting ng aktres for three days.  Tuloy ay nanunumbalik ang dati nang sapantaha ng marami na laging nagiging sagabal itong si John sa muling pagbangon ng career ng Superstar.

Sana raw ay hindi na lang sumunod si John kay Nora rito sa Pilipinas. Para talagang makapag-focus ang aktres sa mga natanguan niyang trabaho.

Pero si Mama Guy naman ang may gustong umuwi rin si John. Parang hindi nga kasi siya mabubuhay nang wala ito sa piling niya. Kung bakit? Iyan pa rin ang malaking katanungan.

ADVERTISING

Marami pa rin ang naiintriga kung ano nga ba talaga ang papel nito sa buhay ni Nora. Kahit pa mariin nang sinabi ng aktres sa isang panayam sa kanya kamakailan na hindi niya boyfriend si John.

Ganyan?

AMINADO MANG NAHIHIRAPAN sa kanyang responsibilidad bilang gobernador ng Batangas, kapansin-pansing beauty pa rin si Vilma Santos at hindi ngarag ang hitsura. Tungkol nga rito ang pabirong inusisa namin sa kanya in our recent interview with her.

“Oy, in fairness, kahit isang tusok, wala ‘yan, ha!” natawang reaksiyon ni Vilma. “Sikreto? Wala. Ano lang… in a way, dahil hindi ko siguro inaabuso ang sarili ko. Hanggang ngayon I do exercise. Kinakain ko lahat, but with moderation. Kasi lahat ng sobra masama. What else? I am comfortable with my life.

“Ah… happy ako sa pamilya ko. Andiyan ang asawa at mga anak ko na nagbibigay sa akin ng energy. Itong pagod ko na ito kung wala sila, papaano ko kakayanin ang lahat ng ito? Pero pag-uwi ko sasabihin lang ng mga anak ko, ng asawa ko… we’re so proud of you. E, ‘di may energy? Parang ginasolinahan na naman ako. So… ‘yon.

And then as a public servant, so far so good. And I thank my consti-tuents dahil magpu-fourteen years na ako.”

Kumusta sila ng husband niyang si Senator Ralph Recto?

“Ay, we’re doing very fine. Alam mo magkasama na pala kami ng… bilangin n’yo nga, nakalimutan ko na! Ha-ha-ha!

“We were together for seven years bago kami ikinasal noong 1992. Twenty six years na kami. Oh, my God!”

Do they still celebrate their anniversary?

“We celebrate each other… always!” nangiti niyang sabi. “Basta hanggang ngayon, hindi natatapos ang araw na wala kaming I love you sa isa’t isa. Hanggang ngayon, kahit magkagalit kami, kailangang humalik kami sa isa’t isa kapag dumating sa bahay, at umalis. Kapag hindi kami magkagalit, paghalik niya talagang ganito…” sa lips ang ibig niyang tukuyin.  “’Pag magkagalit, talagang paghalik niya, ulo ko ang ibinibigay ko!  Ha-ha-ha! Paano ang bonding namin?

Kung napapansin ninyo, talagang yearly nagta-travel kami.

Talagang we see to it na walang taon na hindi kami magta-travel. So iyon ang talagang pinaka-oras namin para sa aming mga sarili. In fact kapag nagta-travel kami, hindi kami kumukonsulta sa mga consul.

Kasi ‘di ba mga opisyales kami ng gobyerno? Kasi gusto naming ma-ging ordinaryo. Na walang hahawak ng oras mo. Kami ang magdadala ng maleta namin. Kung anong oras namin gustong gumising. O kung saan namin gustong pumunta. Because that’s the only time na normal kami. Kasi dito (sa Pilipinas), hindi kami normal, e. Abnormal talaga ang mga buhay namin dito. Na bukod sa artista na, nasa politika pa. Hindi ba? Anak ko, artista pa.”

Next year will mark her 5th decade na sa movie industry. Paano niya pinaplanong i-celebrate ito?

“Kapag natapos namin ‘yong movie namin ni Kim Chiu, baka iyon ang maging offering next year. Sana on my golden anniversary sa showbusiness. Baka maganda naman. So ‘yon, sa tingin ko iyon ang plano.”

May death threats pa rin ba siya?

“Huwag na naman. Awa ng Diyos. Huwag naman po. Maganda po ang intensiyon ko! Ha-ha! Wala akong inaapakan. Pero you know… at the end of the day, wala ka namang assurance, e. Ang kapit ko na lang basta everytime na aalis ka ng bahay, nagdarasal ako… Lord ikaw na, take over. ‘Yong na lang, e. Sino ba ang kakapitan mo? Sa news, ‘di ba? Mismong sa munisipyo, nagkakaputukan. And ito lang…” sabay labas ng isang golden rosary na nasa kanyang bulsa. “Dala ko ito always. Ito… kung ilang taon ang bunso kong si Ryan, gano’n na rin katagal ito. Because anniversary namin ni Ralph nang ibigay niya sa akin ito. And I was pregnant with Ryan,” kuwento pa ni Ate Vi.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING