Sa pag-aming break na sila ni Angelica Panganiban Derek Ramsay, nakaka-turn-off?!

HINDI MO talaga maispeling kung minsan ang tao. Ngayong inamin ni Derek Ramsay na split na sila ni Angelica Panganiban, parang na-turn-off pa ‘yung ibang twitter followers.

Kesyo ba’t sa lalake pa raw nanggaling na split na sila, ba’t hindi raw ke Angelica?

Ba’t ba mas marunong pa kayo sa tao, eh sa ‘yun ang trip niya, eh. Kung para sa inyo eh, bastos ‘yung ginawa ni Derek, opinyon n’yo ‘yon. Pero kung ke Derek eh, alam niyang dapat na sa kanya manggaling na wala na sila ni Angelica, eh karapatan niya ‘yon.

Ba’t hindi na lang kayo mag-hope for the best para sa dalawa, ‘di ba?

At least, naging masaya sila sa loob nang anim na taon, ‘di ba?

GANO’N NAMAN ang pag-ibig, eh. ‘Pag masaya ka, hindi mo naman iisiping mag-i-split kayo. Ang iniisip mo, siya na ‘yung huling lalake o babae sa buhay mo, pero meron namang iba na, “Basta enjoy lang natin ‘to, ‘wag tayong tumalon sa kasal-kasal!”

Feeling naman namin, hindi masyadong malungkot si Angge, eh. Feeling lang namin, ha? Kasi, parang ang bilis niyang naka-get over, eh.

Unless, marunong lang siyang magdala ng lungkot, lalo na’t ‘pag may-i-cry me a river siya, eh parang makakasira yata ‘yon sa promo ng Every Breath You Take nila ni Papa Piolo Pascual.

ANG LAKAS ng impact ng kuwento ni Mareng Carmina Villarroel sa Showbiz Inside Report nu’ng Sabado. Tinatalakay kasi ng mga hosts ang naganap na engkuwentro sa pagitan nina Claudine-Raymart Santiago at Mon Tulfo.

Naitsika ni Carmina ‘yung casual na usap nila ng dyowang si Zoren Legaspi. “Hon, ‘pag ako ba ang nandu’n sa sitwasyon ni Claudine, ano’ng gagawin mo?”

“Sagot ba naman ni Zoren, ‘Iiwan kita. Nakakahiya ka, nag-iiskandalo ka!”

Pero ang nakakatuwa, hindi inaway ni Mina si Zoren. Hypothetical lang naman ‘yon, eh. At least, sinabihan na si Mina para hindi niya ito gawin in the future. Meron na siyang idea.

O, eh ‘di ‘pag nasa parehong sitwasyon si Mina at nandu’n si Zoren, malamang isipin ni Mina ang deklarasyon ni Zoren, kaya kakausapin niya nang mahinahon ‘yung ground stewardess, dahil iisipin niya agad na hindi niya ilalagay sa kahihiyan ang pamilya niya.

At kung mahinahon namang makikipag-usap si Mina, malamang, walang kumuha ng video o picture.

SINABAYAN NG Walang Hanggan ang panahon. Kung literal na mainit ang pakiramdam mo sa panahon ng tag-init, nag-aalab naman ang mga tao sa bawat episode ng consistently top-rating primetime teleserye.

Buti na lang, kahit kontrabida ang ganap namin bilang alalay ni Donya Margaret (Helen Gamboa) ay hindi naman kami minumura sa twitter ng mga adik sa Walang Hanggan.

‘Yung iba’y sinasabihan pa ako ng sipsip, dahil sa pagsunod sa mga maiitim na balak ni Donya Margaret. Juice ko, meron pang hindi nakatiis na kaibigan mula sa London.

Ang sabi sa amin, “Kenneth, parang awa mo na, si Daniel na lang ang kampihan mo, ‘wag na si Donya Margaret! Ipaalam mo nang anak siya nina Marco at Emily!”

Hahaha! Nakakaaliw talaga ‘pag sumusubaybay ka ng teleserye. Affected much.

Pero thank you so much sa lahat ng mga nakatutok.

Ang rebelasyong pinananabikan ng lahat, malapit nang mapanood.

Promise.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleLumapit at humingi ng tulong sa Gabriela Claudine Barretto, bibigyan ng psychological treatment
Next articleMarian Rivera, insecure sa isang starlet?!

No posts to display