Sa pag-amin sa relasyon nila ng aktres
Gerald Anderson, ‘di hahayaang mawala si Maja Salavdor dahil lang sa bashers!

ADVERTISING

<i>Sa pag-amin sa relasyon nila ng aktres</i><br>Gerald Anderson, ‘di hahayaang mawala si Maja Salavdor dahil lang sa bashers!

<i>Sa pag-amin sa relasyon nila ng aktres</i><br>Gerald Anderson, ‘di hahayaang mawala si Maja Salavdor dahil lang sa bashers!GERALD ANDERSON finally admitted his romantic relationship with Maja Salvador. Inamin niya sa June issue ng Star Studio Magazine ang matagal nang hinala ng publiko na sila na nga ni Maja. We quote, “Oo, in-love ako sa kanya. In-love ako kay Maja Salvador. She’s my girlfriend.”

Paliwanag ni Gerald sa The Buzz noong May 26, “It’s about time. It’s the right time. Hindi na dapat tinatago iyon. Tsaka [it’s] for everybody’s peace of mind. Wala naman dapat itago.”

“I decided on my own. I decided para sa akin na rin and para sa mga nadadamay para matapos na. Ayaw ko na rin masyado pag-usapan kasi hahaba lang. Kung ano ang nabasa nila, iyon na iyon. Kung may mga tanong pa, basahin na lang,” he said.

Although Gerald admitted that he and Maja are now officially a couple, he is still mum about other details of their relationship. “Pagdating sa detalye, sa amin na iyon. Sinabi ko na [na kami na] pero pagdating sa mas malalim na detalye, sa amin na iyon.”

ADVERTISING

<i>Sa pag-amin sa relasyon nila ng aktres</i><br>Gerald Anderson, ‘di hahayaang mawala si Maja Salavdor dahil lang sa bashers!Pumutok ang kontrobersiya tungkol sa kanilang dalawa when photos of their vacation in Misibis Bay, Albay surfaced on various social networking sites. Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Maja at Kim Chiu na dating girlfriend ni Gerald.

Hindi biro ang walang puknat na birada ng mga intriga kina Maja at Gerald. Sari-saring reaksyon ang lumutang. Natural lang na masaktan sila. Gerald is aware that they have plenty of bashers dahil hindi lahat ay sang-ayon sa kanilang ginawa. Kuwento niya sa interview ng Star Studio, “Nararamdaman ko na iyong feelings na parang gusto ko siya. Bakit ko pipigilan? Bakit ko hahayaang mawala pa siya sa akin because of the backlash of the people? They can say what they want but who are they to judge?”

Matatandaang naging emosyonal noon si Kim sa The Buzz nang sabihin niyang madaling magpatawad pero mahirap kalimutan ang ginawa sa kanya nina Gerald at Maja. Gerald also gave his comments regarding Kim in the magazine. Sabi ni Gerald, “The person that’s hurting because of our relationship is someone I cared for also. Hindi po maiiwasan na hindi rin po ako masasaktan. All I can say about the situation is napakahirap. And the only way to get through this is being mature enough about it and just keep moving forward and being happy. Being happy for the person you love and being happy for the other person.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING