Sa Ngalan ng Bulaklak!

ADVERTISING

Sa Ngalan ng Bulaklak!

HINDI NAMAN NATIN maikakaila na si Nora Aunor pa rin ang nag-iisang Superstar sa dami ng mga pumunta sa Red Carpet Premiere ng kauna-unahang mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan ng Ina. Dagsa ang Noranians sa SM North The Block Cinema 2 noong September 22 para suportahan ang kanilang idolo sa muli nitong pagbabalik-telebisyon. Balik-tambalan din ito ng nag-iisang Superstar at ni Christopher de Leon sa direksyon ng critically-acclaimed directors na sina Mario O’Hara at Jon Red. Napansin ng aming kamerang-gala na hindi lang pala sa mabibigat na aktingan sumabak ang mga female taartits ng nasabing mini-serye huh! Napasabak din sila sa pagbitbit ng mabibigat na bulaklak. Bonggacious!

ADVERTISING

Photos by Mark Atienza

By MK Caguingin
Paparampa
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING