Sa mismong concert ng Popstar
Sarah Geronimo, sablay sa trio nila nina Regine Velasquez at Lea Salonga?!

<i>Sa mismong concert ng Popstar</i><br> Sarah Geronimo, sablay sa trio nila nina Regine Velasquez at Lea Salonga?!

Sarah-GeronimoLAIT ANG inabot ni Sarah Geronimo nang makasama niya ang divas na sina Regine Velasquez at Lea Salonga sa isang production number sa kanyang anniversary concert last weekend.

Isang Barbara Streisand medley ang kanilang kinanta during the concert and easily, na-compare si Sarah sa dalawang singing veterans.

“Sarah, off key as usual. ‘Di kayang makipagsabayan kina Lea and Regine (who are real, legit singers that don’t copy songs from others.”

“That was a sad day for Barbra’s songs. Lea and Regine tried their hardest to give justice but Sarah just destroyed it. :(“

“Galing nina regine and lea,sana dna sinali si sarah,nakasira lang sya eh.”

Those were just some of the few nasty comments we saw in one of the popoular showbiz websites.

Sarah-GeronimoBut there’s one who tried to defend the Pop Star and said, “These are people who are desperate to bring her down. Sorry na lang sa kanila, ilang dekada pa ang papupuntahan ng career niya habang lugmok na sa kalaosan ang mga idolo nila.”

We saw the video of the said production number and we feel na kinabahan si Sarah sa performance niya. Although hindi siya kasing galing nina Regine at Lea, hindi naman siya na-off key. Kaya lang, obvious na kabado siya sa kanyang performance.

 

BATIKOS DIN ang inabot ni Korina Sanchez lately.

When Korina lambasted CNN news anchor Anderson Cooper na hindi raw alam ang kanyang sinasabi when he covered the tragedy that hit Tacloban, marami ang naimbiyerna sa kanya. Some people took to social media to air their disappointment with Korina.

Si Anderson naman, biglang naging hero sa kanyang accurate and objective reporting habang ang dating naman ni Korina ay parang kontrabida.

Nagpaliwanag nga si Anderson na iyon naman ang kanyang nasaksihan noong mga oras na ‘yon at inimbitahan pa nga niya si Korina na magpunta sa Tacloban para makita niya ang tunay na sitwasyon doon.

Binabatikos din si Korina dahil ang ipinamigay raw nito na tsinelas sa Ormoc ay may pangalan niya at ng  show niya.

Nakita namin ang photos ng mga tsinelas at nagtatanong ang mga netizen kung bakit kailanga pang merong name niya at ng show niya ang mga ipinamigay niyang tsinelas.

Well, diskarte niya ‘yon. Unang-una, pera naman yata ni Korina ang pinambibili ng mga tsinelas so siya ang dapat masunod.

Pangalawa, hindi naman pulitiko si Korina para akusahan siyang nangangampanya.

Teka, true kayang pinagbakasyon si Korina ng Dos dahil mainit ang mata sa kanya ngayon ng publiko?

 

WITH LARAWANG Kupas as carrier single ng kanyang self-titled album, we asked young balladeer MJ Cayabyab kung meron siya maski isang larawang kupas ng kanyang ama na hindi niya nakita nang personal since birth.

“Wala po,” sabi niya sa kanyang album launching. “Pero nakita ko na po siya nang mag-chat kami,” dagdag pa ng heartthrob balladeer.

Pang-MMK ang buhay ni MJ who was seaparated from his parents at a young age. Lumaki siya sa lola niya. Meron nang pamilya ang kanyang ama’t ina.

During the launch, umapir ang kanyang madir na galing pa sa Malaysia. It was a dramatic reunion for the mother and son since the last time they saw each other was five years ago.

Although nakita na niya ang kanyang father ay hindi naman ito dumating sa kanyang album launch. But his titas, titos and cousins from his father side ay dumating to give him support.

He also explained kung bakit  Larawang Kupas ang carrier single.

“Nu’ng narinig namin nu’ng album producer ko, ‘yung old version ng Larawang Kupas sabi niya ay sobrang sikat na sikat daw dati so why not give it a try na bigyan ng bagong taste.

Anyway, the cuts in the album, bukod sa Larawang Kupas, ay Dahil Sa ‘Yo na sariling komposisyon ni MJ, Kahit Ika’y Nagbago, Mahal na Mahal Kita at Muntik na Kitang Minahal.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas