Sa mga patuloy na naninira Maja Salvador: “hindi ako susuko!”

ADVERTISING

Sa mga patuloy na naninira Maja Salvador: “hindi ako susuko!”

Sa mga patuloy na naninira Maja Salvador: “hindi ako susuko!” HOW TRUE NA ang isa sa mga tampo ni Sharon Cuneta sa kanyang anak na si KC Concepcion ay may kinalaman sa hindi pag-imbita ng huli sa kanyang ina na makita ang kanyang condo unit?
Totoo ba na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatuntong si Sharon sa condo unit ni KC sa The Fort?
Minsan nga raw ay may activity si Sharon sa The Fort at nasabi raw nito sa mga kasama na merong condo unit ang kanyang anak doon pero hindi pa raw niya nakikita.
Could this be true? Pakisagot nga po.
NAPAIYAK SI MAJA Salvador sa sobrang intriga na sa tingin niya ay below-the-belt na.
“Masyado na. Tinatapakan nang masyado ‘yung pagkatao ko. Tao lang din po ako na nasasaktan. Hindi porke’t artista… nakita n’yo na strong,” paiyak na sabi ni Maja sa presscon ng Thelma.
Nasulat daw si Maja na inagaw ang boyfriend ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano na nagkataon namang director niya sa Thelma. May issue pa na kesyo playgirl daw siya at lasengga.
“Hindi ‘yon, hindi naman ako ‘yon, eh. Hindi naman ako playgirl, hindi naman ako lasenggera, hindi ako mang-aagaw ng boyfriend so hindi ako ‘yon. Hindi po talaga ako mahilig mag-clubbing. Lagi lang po ako sa bahay, mall, manonood ng movie. Gano’n lang po,” esplika ng dalaga.
Nagbitaw ng salita si Maja na hindi siya padadaig sa kanyang mga detractors.
“Doon sa mga naninira po, hindi po ako susuko,” sabi niya.
Happy ang dalaga sa pagkakaimbita ng Thelma sa 31st Hawaii International Film Festival.
“Isa ‘yong sa mga gusto kong ma-experience na dalhin ‘yung mga pelikula nating mga Pilipino sa ibang bansa para mapansin po tayo.”
BLIND ITEM: INABOT ng 9 a.m. ang taping ng isang sikat na aktres. Pagod na ang buong production, pero hindi naman sila makaangal dahil kailangang tapusin ng aktres ang isang eksena.
Imbiyerna na ang direktora. Hindi pa kasi makuha-kuha ng aktres ang gusto niyang acting. Ayaw na ayaw kasi ng director ng soap acting kaya piniga talaga niya ang kanyang lead actress.
Naimbiyerna na rin ang young actress. Feeling niya ay pinag-iinitan na siya ng director. Nagbanta pa nga raw ito na magsusumbong sa kanyang ma-nager para masermunan siguro ang direktora.

ADVERTISING

Sa wakas ay nagawa rin ng sikat na aktres ang ipinapagawa sa kanya. Kaya lang, inabot na sila ng umaga sa taping.
Da who ang aktres na hindi makuha ang gustong acting ng kanyang director? Naku, sikat siya ngayon at ang daming fans na nang-aaway.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING