Sa mga pahayag ni KC Concepcion sa break-up nila Piolo Pascual, no comment!

ADVERTISING

Sa mga pahayag ni KC Concepcion sa break-up nila Piolo Pascual, no comment!

Sa mga pahayag ni KC Concepcion sa break-up nila Piolo Pascual, no comment!

AYOKO NANG MAG-COMMENT diyan sa isyung break-up nina Piolo Pascual at KC Concepcion kasi ang dami na namang nagsasabing tama raw pala ako.

Siyempre ayoko nang balikan iyang isyu namin noon na nagkademandahan na, ‘di ba?

Makahulugan lang kasi ang mga pahayag ni KC sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz. Pero magkaiba naman ang pananaw ng mga tao, dahil ako naman iba ang tingin ko diyan. Parang ang lalaki nga ng dating ni Piolo, dahil nakikita talaga kung gaano kamahal ito ni KC kahit ang daming tsismis tungkol sa aktor.

ADVERTISING

Pero nasabi na ni KC ang gusto niyang sabihin. Siguro tama na ‘yun. Si Piolo naman, tahimik lang at ayaw na niyang mag-comment tungkol diyan. Humingi lang daw siya ng sorry sa nangyari sa kanila ni KC, pero ayaw na niyang idetalye ito lahat.

Hindi mawala-wala ang isyung iyan kay Piolo, pero nanatili siyang tahimik. Dahil wala ka namang puwedeng gawin tungkol diyan kundi manahimik, ‘no!

 

CONGRATULATIONS SA BAGONG kasal na sina Rich Alvarez at Kyla! Nakunan nga ng Startalk ang kasal nila nu’ng nakaraang Lunes ng hapon na ginanap sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati.

Very solemn daw ang kasal at tahimik lang ito na hindi nagulo ng mga fans. Pero ang maganda raw roon, nagsama-sama uli ang mga executives ng tatlong malalaking network na sina Atty. Felipe Gozon ng GMA-7, si Cory Vi-danes naman sa ABS-CBN 2 at si Mr. Manny Pangilinan sa TV5.

Nandu’n din si Atty. Jimmy Duavit, si Wilma Galvante, pati sina Dra. Vicki Belo at Ogie Alcasid na tumayong ninong at ninang sa kanilang kasal.

Ang ganda nga raw ni Kyla sa kanyang wedding gown na gawa ng bestfriend niyang si Cocoy Lizaso.

Si Rich naman ay halatang kabado raw sa sobrang excitement. Kitang-kita kung gaano raw niya kamahal si Kyla, na ilang beses daw niyang sinasabihang napakaganda nito.

Isa rin dapat sa mga ninang si Regine Velasquez, pero hindi ito nakadalo dahil kapapanganak lang niya.

Mapapanood ang wedding special na ito sa SNBO ng GMA-7, pati ang kakaibang wedding din nina Jolina Magdangal at Mark Escueta.

 

NAGSISIMULA NA NGAYON ang mga presscon ng mga entry sa Metro Manila Film Festival. Pero so far ang pinakamagandang trailer na napanood ay ang Panday 2 nina Sen. Bong Revilla at Marian Rivera at ang Enteng ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Mukhang ito naman talaga ang maglalaban-laban sa box-office kaya todo rin ang dasal ni Ai-Ai. Siyempre ang isa pang wish niya na magwagi rin siya uli sa Best Actress na kinarir din niya ang acting dito.

Sige na nga Best Actress na nga uli si Ai-Ai! Abangan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING