Sa mga namemersonal sa pamilya niya Sey ni Kris Aquino: Mga walanghiya talaga sila!

Sa mga namemersonal sa pamilya niya Sey ni Kris Aquino: Mga walanghiya talaga sila!Sa mga namemersonal sa pamilya niya Sey ni Kris Aquino: Mga walanghiya talaga sila!NAKITA NAMIN KUNG paanong tinutukan ni Kuya Boy (Abunda) si KC Concepcion nang sumalang ito sa first mainstream hosting job niya on television (nauna na noon sa MYX) sa The Buzz noong Linggo ng hapon where KC did her Andi Eigenmann interview for her KCX (KC Exclusives).

Si Kuya Boy pala ang nagsilbing ‘propesor’ ni KC nang bigyan siya ng crash course ni Kuya Boy sa mga kailangan niyang malaman pa in as far as interviewing her co-artists is concerned. Ginawan pala siya ng syllabus ni Kuya Boy sa nasabing crash course, at ipinapanood sa kanya ang may 12 CDs that contains some of the best interviews na napanood na rin ni Kuya Boy – from Barbara Walters hanggang kay Oprah Winfrey – gaya ng ginawa ng huli sa Oscar special kung saan ang nag-interbyuhan eh, artista sa kapwa niya artista.

“KC is a learner. Mahaba-haba pa ang kanyang lalakbayin, pero nae-excite ako. Ina-apply niya whatever she learned from the crash course we did. And I told her naman to do whatever she’s comfortable with. So, hindi muna siya ang gagawa ng P.O.V. Kami pa rin ni Kris (Aquino) ‘yun. She will have interviews that belong to her.”

May nagtanong nga kay Kuya Boy kung hindi ba sila na-threaten sa pagsisimula ng Paparazzi sa ere nang mas maaga sa palabas nila?

“I will not answer questions about Cristy (Fermin). Magkaibigan na kami sa matagal na panahon. At sa puntong ito, ayoko nang makipag-away. And regarding with the ‘threat’ question, lagi kong sinasabi, now na halos lahat na ‘ata eh, nagiging reporter and paparazzi because of the gadgets available, the world can accommodate three or five more shows. Kami, ako, we do not go onstage thinking if we are threatened. Even your own show is a threat to your work. Each citizen of the world now is a media practitioner. And they are more vulnerable now to what media can do. When you talk about communications, you talk about choices.”

NAKA-TSIKA RIN NAMIN si Kris na welcome na welcome ang pagdating ni KC sa kanilang programa. Although, gaya ng sabi ni Kuya Boy, hindi naman sila ang may final say sa pagpili ng magiging kasama nila sa matagal ng plinanong pagbabagong-bihis ng nasabing programa.

Ang tinanong namin kay Kris eh, may kinalaman sa kanyang si Bumby James. Na hindi na rin naiwasang maging tampulan ng biruan at paglalaro ng mga tao dahil sa insidenteng kinasangkutan ni bagets sa isang sortie nila.

“Because he’s been very naughty, I told him na stay at home na lang muna siya. So, hindi muna siya sumasama sa amin. Hindi muna siya magte-taping for Kung Tayo’y Magkakalayo.

“I understood naman ang pag-i-inarte niya that time Kasi, nag-dinner kami in a place na may swimming pool at gusto niyang mag-swimming. But because he was pagod, hindi siyempre ako pumayag. Kaya ayun, to get our attention, nanadya. Hindi ba, akong-ako? Kanino pa ba magmamana? Kaya ngayon, stay at home siya kaya wala siyang ginawa kundi mag-swim nang mag-swim.”

At dahil naman sa kung anu-ano ring kinakalkal na mga personal na mga bagay sa pamilya nila, hindi napigilan ni Kris ang sarili na magbitiw ng isang katagang hindi mo aasahang sasabihin niya.

“Mga walanghiya sila talaga. Kapag Mom ko na ang tinitira at ginagamit nila, that’s the time I really get mad. Gustuhin ko mang magpasensiya at umunawa at intindihin sila, basta if it concerns my Mom at kung anu-ano pa ang ilalabas nila, talagang I go mad.”

Nadaanan ba niya ang simula ng palabas na Paparazzi na una ng ilang oras sa The Buzz?

“Why should I watch? I don’t even read. And I don’t really care. Sa lahat ng pinakamasasakit nang masasabi about me, ano pa ang ire-react ko?

But am still here, standing!”

The Pillar
by Pilar Mateo