Sa mga fans na nag-aaway sa bet nila para kay Mikay
Enrique Gil: Ayoko ng Drama… Work Lang!

ADVERTISING

Sa mga fans na nag-aaway sa bet nila para kay Mikay</b><br> Enrique Gil: Ayoko ng Drama… Work Lang!

Sa mga fans na nag-aaway sa bet nila para kay Mikay</b><br> Enrique Gil: Ayoko ng Drama… Work Lang!HUMAHATAW NGAYON sa ratings ang Princess and I na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Enrique Gil, at Khalil Ramos. Lalong nagiging kapana-panabik gabi-gabi ang bawat eksena sa buhay ng ating mga bida.

Patok sa mga manonood ang nakakikilig na kuwento ni Mikay (Kathryn) na nakatagpo ng tatlong lalaking tapat na umiibig sa kanya – ang astig at mayamang si Gino (Daniel), ang maharlikang si Prince Jao (Enrique), at ang best friend niyang si Kiko (Khalil). Kahit sino namang babae ay hahaba ang buhok kapag nasa katayuan ni Mikay, hindi ba?

Kaya naman hindi maiiwasan na magkaroon ng kumpetisyon sa parte ng mga fans na may kanya-kanyang manok kung sino sa kanilang palagay ang talagang nababagay para kay Mikay. Iyong teenager nga na anak ng kaibigan ko ay kilig na kilig sa loveteam nina Mikay at Gino. Walang pinalalampas na episode sa telebisyon at pati mga magazines kung saan featured ang dalawa ay binibili. Inipon pa niya ang kanyang baon para makabili ng CD ni Daniel.

Ayon sa artikulo ni Bernie Franco sa Push.com.ph ay aware daw si Enrique tungkol sa ganitong klase ng kumpetisyon ng mga fans para sa tatlong loveteams ng Princess and I. “Sa Twitter pa lang, nag-aaway ang mga fans. Ako, ayoko ng drama. Sa akin, work lang. At least may fans si Daniel, si Khalil, so at least everyone is happy.”
Dagdag pa niya, ang importante sa kanya ay marami siyang napapasayang mga tao ngayon.

ADVERTISING

Enrique entered showbiz in 2008 at simula noon ay patuloy na ang pagdating ng magagandang projects sa kanya tulad ng Mula Sa Puso, Good Vibes, Budoy, at ASAP. Sa ngayon ay mayroon siyang upcoming Star Cinema movie titled The Reunion with Enchong Dee, Xian Lim, and Kean Cipriano.

Sa mga fans na nag-aaway sa bet nila para kay Mikay</b><br> Enrique Gil: Ayoko ng Drama… Work Lang!

Naaalala ko tuloy ang role ni Kim Chiu sa My Binondo Girl. She played Jade who had three leading men in the series – Xian Lim (Andy), Jolo Revilla (Onyx), and Matteo Guidicelli (Trevor). Marami ring mga fans ang ‘di magkamayaw dahil may kanya-kanya silang bet para kay Kim, pero sa bandang huli ay namayani ang KimXi/Jandy power. Sino kaya kina Gino, Prince Jao at Kiko ang magwawagi naman sa puso ni Mikay? Abangan.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING