Sa malabong dahilan ng break-up nila ni Nikki Gil
Billy Crawford, pinagdududahang iba ang type?

ADVERTISING

<i>Sa malabong dahilan ng break-up nila ni Nikki Gil</i><br>Billy Crawford, pinagdududahang iba ang type?

<i>Sa malabong dahilan ng break-up nila ni Nikki Gil</i><br>Billy Crawford, pinagdududahang iba ang type?SUNUD-SUNOD YATA ang isyung break-up, ha?!

ADVERTISING

Nu’ng Linggo lang nagsalita si Billy Crawford sa The Buzz para sagutin ang isyung break-up nila ni Nikki Gil.

Sayang din ang relasyon ng dalawa, ha?! Limang taon na silang magkasintahan, tapos napunta rin sa wala.

Alam ko pinag-uusapan na ang kasal, tapos hindi rin pala success ang relasyon nila.

ADVERTISING

<i>Sa malabong dahilan ng break-up nila ni Nikki Gil</i><br>Billy Crawford, pinagdududahang iba ang type?Umiiyak si Billy na nagpa-interview kay Boy Abunda sa The Buzz at ang dami niyang sinabi, pero wala naman siyang nasabing dahilan ng break-up.

Hindi malinaw ang pagkasabi nito na siya raw ang may kasalanan at huwag daw si Nikki ang sisihin.

Ano ba talaga ang problema?

Sa kaiiyak niya, napagdudahan tuloy ng ibang taga-Startalk na baka iba na raw ang type ni Billy.

Wala naman daw third party involved, basta time lang daw sa isa’t isa ang problema kaya napagdesisyunang tapusin na lang ang relasyon.

Hay, naku! Malabo pa rin.

Sa Sabado yata aalis si Billy patungong Amerika para makasama ang kanyang pamilya. Iyon na raw ang una’t huling pagsalita niya tungkol sa isyu.

Naku! Sana magsalita na rin si Nikki, baka mas malinaw pa ang paliwanag nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING