Sa madalas na pagkukumpara kay Sarah Geronimo
Angeline Quinto, nagmumukhang kawawa!

ADVERTISING

<i>Sa madalas na pagkukumpara kay Sarah Geronimo</i><br>Angeline Quinto, nagmumukhang kawawa!<i>Sa madalas na pagkukumpara kay Sarah Geronimo</i><br>Angeline Quinto, nagmumukhang kawawa!MAY LIGHT romance teleserye ang singer na si Angeline Quinto sa Kapamilya Network kung saan katambal niya ang dalawang iniilusyon ng mga kababaihan at mga beki sa kasalukuyan na walang iba kundi sina Sam Milby at Paulo Avelino.

Nagtataka lang ako kung bakit palagi nilang ikinukum-para si Angeline kay Sarah Geronimo gayong ang layu-layo ng agwat ng dalawa sa pagiging popular at love ng mga fans.

Sa pagsabit ng pangalan ni Sarah palagi kay Angeline, hindi maiiwasan na ikukumpara ang dalawa na in the end ay itong huli ang magsa-suffer.

Now that Angeline is launch as a solo teleserye star, dapat iwasan na ng mga publicist niya at ng Kapamilya Network na i-tag ang pangalan ni Sarah at ang walang sawang paggamit sa peg nilang si Regine Velasquez.

 

ADVERTISING

ABSENT ANG megastar Sharon Cuneta sa Resorts World sa trade launch ng mga bagong shows ng TV5.

Kahit sabihin na may taped VTR siya na nakapaloob sa kabuunan ng show, halatang tila saling-pusa na lang si Sharon sa istasyon ni Manny Pangilinan.

From an insider, two weeks na silang hindi nagte-taping ng show ni Mega na balita naman ng kaibigan namin, “tsugi” na ang palabas.

Kung dati-rati’y basta’t nag-abroad si Sharon for her international commitments, asahan mo, nag-a-advance taping sila. Sa katunayan, hirap sila sa pagte-taping ng daily show ni Mega kapag umaalis ito. Kasi nga they have to tape in two to three days ang isang 10 days episodes.

But for the new year, deadma ang production staff sa isyung nagtatampo si Shawie sa pag-alis nila sa TV5 Delta at ang balita nga ay itatapon sila sa TV5 Novaliches (is it a form of demoting her status as one of Kapatid Networks important star?).

As of press time, walang linaw kung babalik pa ang show ng Megastar sa TV5 sa pagbabalik niya galing abroad.

On the side, natatawa ang mga press people na present sa event noong gabing ‘yun.

Lumutang pa rin si Nora Aunor with her new teleserye sa istasyon kung saan kasama niya sina Alice Dixson at Cesar Montano sa direksyon ni Mac Alejandre.

Pinagtataka lang ng marami na kung saan pinulot ang bagong show na Alabang Wives at mga artistang nameless kung hindi man daw has been.

INAMIN NI Annabelle Rama na inihatid nila ng anak niyang si Richard Gutierrez si Sarah Lahbati sa airport noong Linggo pauwi ng Switzerland kahit may kasong kahaharapin ang starlet sa korte na isinampa ng Kapuso Network.

Sa katunayan, napaiyak si Richard sa pag-alis ni Sarah dahil nga maghihiwalay sila (for good), kung hindi babalik si Sarah sa bansa o ‘di kaya’t pumunta sa Switzerland ang binata.

Magkasintahan kasi ang dalawa at mahal na mahal ni Richard ang kasintahan at balak na nga raw nitong pakasalan anytime gustuhin man ng dalaga.

Sa pagtakas ni Sarah, nakabitin kung papaano iha-handle nito ang kung ilang milyong dermanda sa kanya ng dating mother studio nito.

Pero ayaw aminin ni Tita Annabelle na buntis si Sarah na ang ama ng batang kanyang dinadala ay ang anak niyang si Richard.

Kung sa bagay, ang mga taga-showbiz naman kuntodo deny pero after six months from the time pumutok ang balita ay malalaman natin.

Para patunayan na hindi nga totoo ang tsismis na buntis si Sarah, six months from now, dapat mag-produce ng picture or pruweba si Tita Annabelle ng latest photo ng girlfriend ng anak niya.

‘Pag nagkataon na buntis si Sarah, malamang sa hindi, mawawalan na ng bisa ang pagiging bachelor ni Richard at sigurado, kabawasan ito sa mass appeal ng binata sa kanyang mga tagahanga.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING