Sa laki ng milyun-milyong pisong offer Kris Aquino, sinunggaban ang endorsement ng alak!

ADVERTISING

Sa laki ng milyun-milyong pisong offer Kris Aquino, sinunggaban ang endorsement ng alak!

Sa laki ng milyun-milyong pisong offer Kris Aquino, sinunggaban ang endorsement ng alak!

ADVERTISING

BLIND ITEM: Awang-awa ang kaibigan namin sa gitarista ng isang banda. Pa’no kasi, ito na nga ang iniwan ng misis na kanilang lead vocalist para sa isang lala-king kanang kamay ng isang pulitiko, si Gitarista pa ang tinatakot daw ni Kanang Kamay.

“Hindi ko naman alam kung ano ang pinagkukuwento ni Lead Vocalist sa bago niyang dyowa, pero ang totoo, mula nang kumalas siya sa banda, hindi na nga siya pinapansin nu’ng mister niya, pero ito pa ngayon ang hina-harrass.

“Ano ba naman ‘yan? Kumalas ka na nga sa banda mo para samahan mo ang isang lalaking may asawa na at iniwan mo ang asawa mo, tapos, ikaw pa ngayon ang nagke-claim na hina-harass ng mister mo?

ADVERTISING

“Magkape naman siya para magkaroon siya ng nerbiyos sa katawan. Saka ang nakakalokah pa, Mama Ogie, dahil miss na miss na niyang umawit, aba, nagtayo na siya ng sarili niyang banda para makakanta lang siya.”

So ano ba ang gusto niyang mangyari ngayon?

“Na hinayaan na rin siya ng mister niyang magkaroon siya ng sariling lovelife, eh magkanya-kanya na nga sila. Hindi, eh. Gagawa pa siya ng kasulatan na ibibigay niya sa mister niya ang iba pa niyang properties niya basta ‘wag lang siyang guguluhin eh, hindi naman na siya ginugulo, ano ba?”

Hay, nako… sa mga ganitong usapin ay ayaw naming makialam. Hihintayin namin si Misis na magsalita sa amin bago kami mag-conclude, dahil mahirap ‘pag one side lang ang kinuha.

Makapag-swimming nga muna.

 

NOON PA naman endorser ng SMB si Kris Aquino. Siguro lang talaga, sa latest TVC niya ay hindi lang nasanay talaga ang mga tao na may hawak siyang beer.

Sanay ang mga tao na shampoo, sabon, seasoning, gatas ang laging hawak ni Kris Aquino. Kahit nga ang paghawak ng beer sa naturang TVC ay parang hindi pa siya sanay.

Kami naman, kung kilala namin si Kris, hindi ito umiinom talaga ng beer. Pero sabi nga namin, kung ipaggigiitan ni Kris na talagang umiinom siya ng beer, eh talo na tayo agad sa argumento, hayaan na natin siya.

Sa laki ng milyun-milyong pisong offer Kris Aquino, sinunggaban ang endorsement ng alak!

Kung ang rason naman ng kanyang endorsement na ‘yon ay hindi pa tapos ang kanyang kontrata, pinu-fulfill lang niya ang kanyang obligasyon.

O, kung very tempting talaga ang offer like 30M-50M, juice ko, eh maiintindihan namin kumba’t niya sinunggaban ang offer. ‘Tangna, kung ganyan naman ang presyo, baka ‘yung ibang artista’y pumayag pang ipatong sa boobs nila ang beer na ‘yan, ‘no!

Sabi nga rin namin, after all, Kris naman can get away with anything and everything, eh. Juice ko, ‘di ba nga, ang tapang na inamin ni Kris noon na nagkaroon siya ng STD (Clamydia) na nakuha raw niya sa isang nakarelasyon? Hindi naman tayo nandiri noon kay Kris, bagkus hina-ngaan pa natin ang katapangan niya sa pagharap sa katotohanan.

Saka sabihin nang “lukaret” o “aning-aning” o taklesa si Kris o paiba-iba ang timpla ng mood. Still, Kris Aquino is Kris Aquino.

Just like Anna Dizon is Anna Dizon. Hahahaha! Ano ba ‘yan? Ang layo ng comparison!

 

ISA PANG kontrobersiyal ngayon itong new look ni Charice Pempengco. Ba’t daw nagpakulay kabaong ng hair? Sino raw ba ang ginagaya nito? Si Yeng Constantino o si Maverick ng Ariel and Maverick?

Sa umpisa, tatawa ka, dahil naaaliw ka sa comparison, pero kung nanamnamin mo ang karamihan sa opinyon ng mga Pinoy, talagang ang tanong mo na lang ay, “Ba’t kaya nagpagupit ng gano’n si Charice? Ano kaya’ng image ang gusto niyang i-project?”

Pero kahit pa anong masasakit na opinyon ang ibato kay Charice, balewala namang lahat ‘yan, as long as itong si Charice enjoys her new look, ‘di ba? At lalo pa kung ine-enjoy niya rin na pinag-uusapan siya.

After all, diyan siya masaya at hindi naman maibibigay ng iba ang ikaliligaya niya, go lang. As long as wala rin siyang tinatapakang ibang tao, ‘di ba?

Ang kaso nga, iginigiit ng iba, may binabagayan ang gano’ng look. Sana raw, kumunsulta muna si Charice sa mga expert.  Baka raw sa nanay lang nakinig. Me gano’n?

Saka ang tanong nila: lesbiana na rin daw ba si Charice? Ewan namin. Ang alam namin, wala naman kaming nababalitaang me nanliligaw na lalaki sa kanya ngayon, eh.

Kayo na lang po bahalang mag-research at busy po kami. Chos!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING