Sa lakas sa box-office ng Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz movie
Marian Rivera-Richard Gutierrez film, inatras ang playdate sa takot na mag-flop?!

ADVERTISING

<i>Sa lakas sa box-office ng Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz movie</i><br>Marian Rivera-Richard Gutierrez film, inatras ang playdate sa takot na mag-flop?!

<i>Sa lakas sa box-office ng Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz movie</i><br>Marian Rivera-Richard Gutierrez film, inatras ang playdate sa takot na mag-flop?!MARAMI ANG nagtatanong kung tinanggal na ba si Joey Marquez at pinalitan ni Zoren Legaspi sa Showbiz Inside Report umpisa nu’ng Saturday?

ADVERTISING

The answer is “no”.

Si Joey po ay kumakandidato ngayong congressman sa second district ng Parañaque at bawal na siyang lumabas sa TV at after elections na siya puwedeng umapir.

So, pa’no si Zoren?

ADVERTISING

Si Zoren po ay guest co-host for two weeks po at depende po sa management kung sino naman after Zoren ang kukuning guest co-host. Depende siguro sa topic.

So, si Joey ba ay babalik after elections?

Depende pa rin po after elections kung ano ang desisyon ng management.

Pero isa lang ang sigurado: malaki ang naging kontribusyon ni Manong sa Showbiz Inside Report, lalo na ang kanyang wisdom, kaya rin click na click kaming apat.

So in other words, abangan ang susunod na kabanata.

 

ACCORDING TO Marissa Sanchez, ang lakas-lakas ni Lucy Torres-Gomez sa Leyte bilang kandidato sa pagka-Congresswoman. “Pati si Richard Gomez din, Papa O, malakas din siya bilang mayor naman ng Ormoc City.”

Tsika naman ng road manager ni Marissa na si Obet, “Nakakatawa si Lucy. ‘Yung pagka-prim and proper niya, nawawala ‘pag nagpe-perform na si Marissa. Wala siyang poise sa pagtawa. Hahaha!”

Tumatakbo rin palang mayor ng isang bayan na nasasakupan ni Lucy ang kapatid nitong si Mat na according to Marissa, “Nako, Papa O, kung nandu’n ka, masa-shock sa sa super dami ng tao. Grabe ang pagmamahal ng mga taga-Leyte sa pamilya ni Lucy!”

 

GRABE ANG init ng panahon ngayon, ‘no? Juice ko, akala ko, ang mga tao ay tumatakbo lang ‘pag nag-uumpisa nang umulan. Kahit pala sa tindi ng init, nagtatakbuhan din ang mga tao, dahil feeling nila (kasama na rin ako diyan), hinahabol sila ng uling na may baga.

Sana naman ay walang maging biktima ng heat stroke. O kung makati pa rin ang paa at ayaw mag-stay sa house ay I’m sure, dumidiretso na sila sa mall para magpalamig o ‘di kaya ay buong maghapong bukas ang aircon.

So, good luck sa gastos at kuryente, hahahaha!|

 

KAMI NA ang nagsasabi, kahit hindi pa namin napapanood ang It Takes A Man And A Woman habang sinusulat ito ay wala pa kaming negative feedback na naririnig sa mga nakapanood. Lahat ay gandang-ganda talaga sa movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

At take note, naka-P201-M gross na siya since Saturday, or week ng showing.

Ang tsika nga ay nasyokot ang My Lady Boss, kaya umatras ito ng playdate. Hindi namin alam kung ito ang dahilan, pero ang sigurado lang namin ay baka umabot sa P400-M ang maging gross sa pagtatapos ng showing nito.

Sa mga nagtataka kumba’t hindi pa kami nanonood?

Manonood na po this week. At ‘yan din ang promise namin sa aming mga dyunakis.

Dyunakis? Bading na bading, huh!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING