Sa kundisyong ‘di masyadong ipu-push si Angeline Quinto? Sarah Geronimo, pumirma na ulit ng kontrata sa dos!

ADVERTISING

Sa kundisyong ‘di masyadong ipu-push si Angeline Quinto? Sarah Geronimo, pumirma na ulit ng kontrata sa dos!

Sa kundisyong ‘di masyadong ipu-push si Angeline Quinto? Sarah Geronimo, pumirma na ulit ng kontrata sa dos!SA PAGPIRMA ULI ng kontrata ni Sarah Geronimo sa Kapamilya Network, nagkaroon ng bulung-bulu-ngan na isa raw sa kundisyon na hiningi ni Boss Vic del Rosario sa management ng ABS-CBN ay huwag daw masyadong i-push nang husto si Angeline Quinto, dahil daw nauungusan na nito ang Pop Princess.

Naging paborito nang pagsa-bungin ang dalawa sa kabila ng pagsasabi nila Sarah at Angeline na magkaibigan sila at walang lugar ang kumpetisyon sa pagitan nila. Sa kabila nito, may ilan pa ring naniniwala na threatened raw talaga ang Pop Princess kay Angeline, lalo’t very open si Sarah na ‘di niya kaya talaga ang bumirit gaya ng ginagawa nina Angeline at Rachelle Ann Go.

Sa panayam namin kay Angeline sa shooting ng pelikula nila ni Coco Martin entitled You Light Up My Life, nagbigay-pahayag ang Star Power champion na hindi siya naniniwala sa nasabing intriga at pakiramdam niya ay ‘di ito magagawa ni Sarah o ng kampo nito.

Ayon kay Angeline, puro magagandang payo ang ibinibigay sa kanya ng singer/actress at isa na nga rito ay mararating niya ang mga pangarap niya sa buhay dahil mabuti siyang tao. Dagdag na kuwento  sa amin ni Angeline, minsan ay kay Sarah siya talaga humihingi ng advice dahil napagdaanan din nito ang lahat ng napagdaanan niya sa larangan ng musika.

ADVERTISING

Tiyak na lalo pang iigting ang pagkukumpara sa kanila ni Sarah ngayong pinasok na rin ni Angeline ang paggawa ng pelikula, kung saan ang tema ng You Light Up My Life ay ka-tema rin ng mga pelikula kung saan nakilala at sumikat nang husto ang Pop Princess.

Para kay Angeline, naisip na niya na panibagong intriga na naman ito sa kanila ni Sarah. Ang nasa isip na lang niya ngayon ay ginagawa niya ang mga ito para sa katuparan ng mga pangarap niya at hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon katulad niya.

Tulad ni Sarah ay sanay na rin siya  sa pagkukumpara na ginagawa sa kanila ng ibang tao, nasa Star Power pa lang ay ginagawa na ito sa kanya at tanggap na ni Angeline na bahagi na ito ng buhay-showbiz.

Hindi man napagkikita sa ASAP Rocks at sa ibang programa ng ABS sa ngayon, ito ay dahil puro out of the country shows ang ginagawa sa ngayon ni Angeline at abala rin ang Star Power champion sa kanyang launching movie.

 

SA NAKARAANG PRESSCON ng Sa Ngalan Ng Ina, bukod kay Ms. Nora Aunor na mata pa lang ay talagang umaarte na, isa sa umagaw ng pansin namin at talaga namang lumutang sa unang episode pa lang ng SNNI ay ang young actor na si Alwyn Uytingco.

Ramdam na ramdam namin ang intensity ng acting ni Alwyn na hindi nagpakabog sa acting ng mga kasama niya sa nasabing serye. Dati pa naman ay kinakitaan na namin ng husay sa pag-arte ang young actor at naniniwala kami na mabigyan lang ng tamang proyekto, alam naming malayo ang mararating niya sa showbiz as a character actor.

It’s a powerhouse casts, kung saan nakita namin na talagang binusisi ang istorya, pinagkagastusan at talaga namang natangay kami sa mga napanood naming mga eksena.

Sa ngayon pa lang ay binabati na namin ang lahat ng bumubuo ng Sa Ngalan ng Ina, from the whole casts, directors, writers, production people and crew for the job well done.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING