Sa kapalaran ng mga ex na sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga
Heart Evangelista, pusong-bato raw!

ADVERTISING

<b>Sa kapalaran ng mga ex na sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga</b><br> Heart Evangelista, pusong-bato raw!

<b>Sa kapalaran ng mga ex na sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga</b><br> Heart Evangelista, pusong-bato raw!MAGKAPAREHO TALAGA ang naging kapalaran nina Daniel Matsunaga at Jericho Rosales nang mahalin nila at matapos ang pakikipagrelasyon kay Heart Evangelista. Pareho silang naiwan habang umaasa na muli pang magiging maayos ang kanilang relasyon pagkatapos ng gusot. Kaya lang, kung noon ay nag-wish si Echo na baka magkakabalikan pa sila ni Heart, si Daniel ay sobrang nalungkot naman sa pagsasabing ginawa naman niya ang lahat para maging okey sila ni Heart.

ADVERTISING

Nakaabante lang si Jericho mula sa sakit ng kalooban na kanyang naranasan mula sa hiwalayan nila ni Heart, dahil marami naman siyang pagpipiliang mga babae dahil isa si Echo sa paboritong mukha ng kapwa niya artista sa showbiz.  Hindi man binalikan ni Heart si Echo, unti-unti na ring nakalimot ang actor. Ang nakakaawa ay si Daniel, dahil sa ngayon ay hirap na hirap pa rin siyang makalimutan si Heart at patuloy pa rin siyang nanghihinayang sa dati nilang pinagsamahan.

Pusong-bato raw si Heart dahil siya ang tipo ng babae na ang iniwang mga nakarelasyon ay hindi na binabalikan at hindi na rin binibigyan pa ng pa-ngalawang pagkakataon na muling makapasok sa kanyang puso. Pero mali rin naman ‘yung ibinibintang kay Heart, na kapag nakipag-hiwalay siya ay balewala lang sa kanya. Sa totoo lang, ang nagpapalakas ng loob ni Heart sa panahong windang ang lovelife niya ay ang suporta ng kanyang pamilya. Maraming kaanak at mga kaibigan na nagpaparamdam sa kanya ng suporta para hindi siya umiyak at magmukmok.

 

ADVERTISING

MARAMI ANG naaliw at humanga noon sa naging relasyon nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay, kaya pareho silang dalawa na ngayon ay nakararamdam ng lungkot sa tuwing mayroon silang makakaharap na mga tao sa loob at labas ng showbiz na ang itsinitsika sa kanila ay kung magkakabalikan pa ba sila, dahil nakapanghihinayang daw ang kanilang pagmamahalan na tumagal nang halos anim na taon. Pareho na rin silang walang maipaliwanag na sagot sa ngayon.

‘Yun nga ang nakalulungkot sa sitwasyon ngayon nina Angelica at Derek. Pareho sila ngayong nananahimik pagkatapos ng pag-amin ng guwapong TV host na hiwalay na nga sila. Si Angelica na ‘yung huli na talagang pinakahihintay ang panig kung ano ba ang gusto niyang sabihin tungkol sa kanilang hiwalayan. Kasi nga, hindi naman sila nagsiraan pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Magaganda pa rin ang mga sinasabi ngayon ni Derek tungkol kay Angelica. Kaya hindi nawawalan ng pag-asa ang kanyang mga kaibigan, na baka siya ang gagawa ng first move para magkabalikan sila ni Angelica kung talagang mahal pa rin niya ang aktres. Hindi talaga kasi madaldal na lalaki si Derek, kaya marami ang nabibitin sa kanya. Ang kaabang-abang ay kapag nagsalita na si Angelica kung talagang wala na silang pag-asang magkabalikan. Kilala kasi si Angelica na diretsong magsalita at pinaninindigan ang kanyang mga sinasabi.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING