SA KANYANG REAL-LIFE PRINCE CHARMING: Janella Salvador, tuluyan nang nahulog kay Elmo Magalona?

ADVERTISING

SA KANYANG REAL-LIFE PRINCE CHARMING: Janella Salvador, tuluyan nang nahulog kay Elmo Magalona?

SA KANYANG REAL-LIFE PRINCE CHARMING: Janella Salvador, tuluyan nang nahulog kay Elmo Magalona?
Elmo Magalona and Janella Salvador

MABUTI NAMAN at natapos na nina Janella Salvador at Elmo Magalona ang much-awaited episode nila for Maalalala Mo Kaya (MMK) na mapapanood na bukas.

ADVERTISING

Dahil sa pagkakasakit ng dalaga, maging ang mga out of town shows niya ay naabala.

Pero iba rin kung ang mahal mo na Elmo ang nag-alaga sa iyo kaya mabilis ang recovery.

Sa katunayan, bukod sa MMK ay nagbago din ang schedule ng mga mall shows nila ni Elmo.

ADVERTISING

Now that Janella is back to her feet, ratsada na sila ni ”Prinsipe” niya sa pagpo-promote ng Valentine’s Day movie nila na “My Fairy Tail Love Story”.

 Nang tagurian ng media na boyfriend niya si Elmo ay napangiti lang ang dalaga. Kinorek ang impresyon ng media na nakapaligid during the grand presscon recently.

“Boyfriend? Wala pa akong boyfriend!” sabi ng ni Janella na naka-smile.

Kuwento pa ng dalaga tungkol kay Elmo: “Actually, it’s the first time na may guy talaga na nag-alaga sa akin. And I can say na I’m really thankful that he’s around. Ang laki rin ng naitulong niya noong may sakit ako. He kept me positive about it,” pagmamalaki ng dalaga kay Elmo.

SA KANYANG REAL-LIFE PRINCE CHARMING: Janella Salvador, tuluyan nang nahulog kay Elmo Magalona?
Elmo Magalona and Janella Salvador

As her personal “Doctor” noong nagkasakit siya at na-confine sa St. Luke’s Medical City (E. Rodriguez Ave. in Kyusi) puring-puri ni Janella ang kanyang “boyfie”.

Kuwento pa ng dalaga about Elmo: “Talagang hindi niya makakalimutan na i-remind ka, like sa gamot. Kung gusto mo ng food, bibilhan niya ako ng food.”

Dagdag pa niya na kuwento at karanasan niya kay Elmo: “This is the very first time na naging close ako sa isang guy and I’m glad na siya yun kasi, when I got to know him, napaka-caring niyang talaga. I’m glad that it’s him.”

Siya na nga talaga.Yes, si Elmo na nga talaga.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING