Sa kanya rin kasi magbu-boomerang
Claudine Barretto, dapat mag-ingat sa binibitawang salita

ADVERTISING

<i>Sa kanya rin kasi magbu-boomerang</i><br>Claudine Barretto, dapat mag-ingat sa binibitawang salita

<i>Sa kanya rin kasi magbu-boomerang</i><br>Claudine Barretto, dapat mag-ingat sa binibitawang salitaAND SPEAKING of Claudine Barretto, sana’y inaayos din nito ang pagsasalita ng, “Ayoko na siyang pag-usapan. Hindi naman siya sikat!” referring to ex-hubby Raymart.

ADVERTISING

Nag-split lang hindi na sikat? Pa’no kung sila pa rin? Maririnig ba natin ‘yon kay Claudine?

Ang pinakamasaklap niyan eh, pa’no kung humirit naman si Raymart ng, “Baket, ikaw? Sikat pa rin ba?”

‘Di ba? ‘Yung isang salita na pupuwedeng makalikha ng ingay o gulo, sana’y ‘wag nang ihayag, kasi, kahit ang ibang taong wala namang kinalaman sa kanilang relasyon ay pupuwedeng maghayag ng masakit na opinyon tungkol sa sinabing ‘yon ni Claudine.

ADVERTISING

Kaya esep-esep din.

 

FINALLY, NAGSALITA na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco tungkol sa buntis isyu. Yes, 2 months pregnant si Melai at excited na excited siyang ibinalita ito sa The Buzz.

Siyempre, kami ni MJ Felipe ang naka-scoop nito sa aming radio program sa DZMM Teleradyo, ang “OMJ” tuwing Sabado nang 9-10pm.

Ako ngayon ay nag-a-apply na ninong sa binyag ng anak ng Melason. Hahaha! Kasi, ako mismo, haping-happy for both of them.

 

<i>Sa kanya rin kasi magbu-boomerang</i><br>Claudine Barretto, dapat mag-ingat sa binibitawang salitaME NAGTSIKA sa amin na tinabangan na nang tuluyan si Sunshine Cruz kay Cesar Montano, kaya kahit daw karirin ni Cesar na makipagbalikan sa kanya ang aktres ay ayaw na raw nito talaga at mas liligaya raw ito kung tuluyan na rin silang maghihiwalay ng landas, pero hindi bilang parents ng mga bata.

Kung kami ang tatanungin, sana nga maayos pa ang gusot ng mag-asawa, pero kung talagang na-fall out of love na si Sunshine kay Cesar, mas maganda kung gano’n na rin ang feeling ng lalaki sa babae para mas mapabilis ang kanilang pagmu-move on.

“Damutan” ng anak?

Feeling namin, hindi hahantong sa damutan ito. Dahil kahit si Sunshine, ayaw nitong mabago ang pagtingin ng mga anak sa ama, kaya hindi naman sila hahantong siguro sa Claudine Barretto-Raymart Santiago war.

 

IBE-VERIFY PA namin kung totoo itong nakarating na balita sa amin na muntik nang magsuntukan ang dalawang aktor, dahil “natitigan” lang ni Mr. J ang syotang aktres ni Mr. M (hindi si Direk Johnny Manahan, ha?).

Sa isang bar ito nangyari, sa birthday ng isang tropa at ang ending, nag-away na lang daw ang magsyota kesa bugbugin ni Mr. M si Mr. J.

Hmph! Teka nga’t maimbestigahan ito kung true or false eyelashes.

Lalo na’t ang tatlong involved dito ay mahal ko rin bilang anak-anakan at kumpare.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING