Sa kabila ng samaan ng loob
Maja Salvador, ipinagtanggol pa rin si Kim Chiu sa mga basher

ADVERTISING

<i>Sa kabila ng samaan ng loob</i><br>Maja Salvador, ipinagtanggol pa rin si Kim Chiu sa mga basher

<i>Sa kabila ng samaan ng loob</i><br>Maja Salvador, ipinagtanggol pa rin si Kim Chiu sa mga basherNAIINTINDIHAN NAMIN ang lalim ng sama ng loob na naramdaman ni Kim Chiu nang piliin ni Maja Salvador si Gerald Anderson kaysa sa kanilang pagkakaibigan. Kahit sinong babae ang lumagay sa sitwasyon ni Kim, kauna-unawang makaramdam ng sobrang lalim ng sakit at sama ng loob kung ang taong minahal mo dati ay kasintahan na ngayon ng tinuturing mong matalik na kaibigan at naging sumbungan mo sa mga panahong sobrang bigat ang nararamdaman mo dahil nasaktan ka ng taong mahal na mahal mo.

Pero sa sitwasyon ngayon ni Kim na tumanggap ng kabi-kabilang pagpuna at pagbatikos mula sa ibang tao dahil sa pagkamatay ng kanyang ina, kung saan nakukuwestiyon ang pagiging isang anak ng anak, dito naman hinangaan at sinaladuhan si Maja. Sa kabila ng malalim na away nila ni Kim, balitang ipinagtatanggol ng aktres ang dating kaibigan.

Ayon sa balitang nakarating sa amin, dinedepensa ni Maja si Kim na sana ay huwag husgahan ng ibang tao ang kaibigan dahil alam niya kung gaano ito kabuti bilang isang anak at bilang isang kapatid.

Pinaghihilom ng panahon ang kahit na anong sugat at ‘di na namin ikagugulat kung isa sa mga araw na ito ay mabalitaan na lang natin na nakapag-usap, lumambot na ang puso ni Kim ‘pag nakarating dito ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Maja at nakapag-ayos na ang dalawa. Sa simula pa lang naman ay lagi nang sinasabi ng huli na kaibigan pa rin siya ni Kim kahit na ano ang nangyari sa kanila, si Kim naman ay iwas magbigay-komento sa tuwing mapag-uusapan ang dating kaibigan.

ADVERTISING

 

SA ISYUNG lumabas na lilipat na raw si Martin Nievera sa bakuran ng GMA at iiwan na ang ABS-CBN kung kaya’t nagsimula na raw itong mag-guest sa The Ryzza Mae Show sa Kapuso network, agad na klinaro sa amin ng Concert King na mananatili siyang Kapamilya hangga’t hindi ang ABS ang nagsasabi sa kanya na hindi na siya kailangan dito.

<i>Sa kabila ng samaan ng loob</i><br>Maja Salvador, ipinagtanggol pa rin si Kim Chiu sa mga basherNaituturong dahilan pa rin ang sama ng loob daw nang matigbak ang programang Martin Late At Night pagkatpos ng isang season na mapanood ito sa ere, naging bukas si Martin sa sama ng loob niya sa nangyari sa kanyang twitter account para maiparating ang kanyang saloobin.

Aminado naman na pagkakamali niya ang ‘di pagpapaalam sa management sa ginawa niyang page-guest. ‘Di inaasahan ni Martin na magiging isyu ito dahil ang nakikita niya ay bata lang si Ryzza Mae at ‘di kakumpetensiya. Naikuwento ng singer na dati pa siyang inaalok ng mga ito na mag-guest sa nasabing show, pero ilang beses siyang tumatanggi. Natiyempuhan lang na para ito sa post-Father’s Day celebration at bilang isang ama ay napapayag siya rito at isang cute na bata lang ang tingin niya kay Ryzza Mae.

Ipinaliwanag din sa amin ni Martin na  kung nag-guest siya sa katapat na show ng ASAP sa kabila, maaari itong maging malaking isyu dahil kapareho ng format at time slot ng ASAP kung saan isa siya sa host. Hindi niya talaga ito kinakitaan ng problema sa sarili niyang pananaw kung kaya’t di niya inasahan na magiging big deal ito sa iba.

Naikuwento rin sa amin na sa kasagsagan ng promo ng concert nila nila Regine Velasquez, Ogie Alcasid at ni Pops Fernandez, ang Foursome ay nag-guest lang siya sa cooking show ni Regine bilang kasama niya ito sa isang concert at nagpaalam din siya sa management ng ABS na ipapalabas ito sa GMA. Ayon kay Martin, maraming alok ang  GMA para mag-guest siya sa ibang shows pa ng nasabing istayson para ma-promote ang nasabing concert pero siya na mismo ang tumanggi por delicadeza at respeto sa ABS.

Aminadong may mga offer na lumipat sa ibang istasyon pero nandu’n pa rin ang loyalty at pagmamahal ni Martin sa ABS na ayon sa kanya ay ‘di niya ipagpapalit hangga’t kailangan siya rito.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING