Sa kabila ng mga kanegahan ng sexy actress Rayver Cruz, ‘di pa rin bumibitiw kay Cristine Reyes!

Sa kabila ng mga kanegahan ng sexy actress Rayver Cruz, ‘di pa rin bumibitiw kay Cristine Reyes!

Sa kabila ng mga kanegahan ng sexy actress Rayver Cruz, ‘di pa rin bumibitiw kay Cristine Reyes!   MAHAL NA mahal pa rin ni Rayver Cruz si Cristine Reyes sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng sexy actress. Sa dami rin ng nang-iintriga sa kanilang relasyon ay nariyan pa rin ang matangkad na young actor at nagpapatunay na okey pa rin sila hanggang ngayon. Katulad ng dati, magalang naman si Rayver na tumatanggi na magbigay ng reaksiyon sa mga nangungulit na magsalita siya kung ano na ang nabago sa relasyon nila ngayon ni Cristine kasabay ng pakikipag-alitan ng dalaga sa kanyang sister na si Ara Mina.

Iniintriga na si Rayver ngayon bilang lalaking sunud-sunuran sa kanyang girlfriend. Pero wala pa ring gustong sabihin ang binata tungkol sa mga pangungulit sa kanya, na umano’y kailangan na rin niyang magsalita para mas matauhan pa si Cristine sa kanyang ugali na wala siyang sinasanto kahit kapatid at magulang kapag gusto niyang mang-away.  Nararamdaman ng marami na dinadamayan talaga ni Rayver si Cristine sa mga panahong ito.

Oo naman. Kung totoo sina Cristine at Rayver sa kanilang mga sarili na wala talaga silang problema sa kanilang relasyon, sa mga pagkakataong ito talaga dapat na si Rayver ay nasa tabi ng dalaga. Sirang-sira kasi ngayon si Cristine sa paningin ng publiko dahil sa pang-aaway niya kay Ara. Habang marami ang nagsisimpatiya kay Ara, nakalulungkot ang sinasabi nila, na baka ang sigalot nina Ara at Cristine ngayon ang maging simula ng pagbagsak ng career ni Cristine.

 

SINASALUDUHAN NG mga taga-showbiz ang loyalty ni Kuya Germs (German Moreno) sa GMA-7, dahil hanggang ngayon ay naroon pa rin naman siya, at hindi niya pinag-iisipan ang alok ng ibang kumpanya sa telebisyon na lumipat siya at gumawa ng programa sa istilong nakagawian na niya katulad ng kanyang pagtulong sa mga kabataan noon na napanood ng masa sa kanyang That’s Entertainment na nagpasikat sa maraming artista na narito pa rin ngayon sa showbiz.

 

Next year, papasok na si Kuya Germs sa kanyang ika-limang dekada sa showbiz. Iyon ay ipinagpapasalamat niya, na hanggang ngayon ay narito pa rin siya at pinagtitiwalaan. Pero kung taha-nan sa showbiz ang babanggitin, taas-noong sinasabi ng Master Showman, na ang Kapuso Network ang kanyang tahanan. Huwag sabihing lipas na sa panahon ang mga konsepto ng beteranong TV host pagdating sa paggawa ng mga programang pam-bagets, dahil nagmarka sa industriyang ito ang kanyang nasimulan.

Ilang taon na rin na matapos tsugihin sa ere ang kanyang programang “That’s…” ay mayroong ibang network at ibang mga producers ang humihikayat kay Kuya Germs na lumipat sa kanilang network para du’n magsimula ng isang bagong programa na gaya ng “That’s…” pero lagi siyang tumatanggi sa mga alok, dahil nahihiya siya sa GMA kung tatanggap siya ng programang ang konsepto ay katulad ng “That’s…” pero sa ibang istasyon mapapanood.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista