Sa kabila ng kaliwa’t kanang intriga Piolo Pascual, tanggap pa rin ng fans!

ADVERTISING

Sa kabila ng kaliwa’t kanang intriga Piolo Pascual, tanggap pa rin ng fans!

Sa kabila ng kaliwa’t kanang intriga Piolo Pascual, tanggap pa rin ng fans!

SUPER SUCCESSFUL ang album launching ng soundtrack ng Dahil Sa Pag-ibig na ginanap sa Skydome, SM North Edsa last Sunday. Dagsa ang mga fans nina Piolo Pascual, Maricar Reyes, Rafael Rosell, Angeline Quinto, Bryan Termulo and Cristine Reyes na nagbigay ng kani-kanilang song number na hango sa theme song ng nasabing teleserye.

Nang awitin ni Piolo ang “Sa Kanya”, nakabibinging tilian ng mga fans. Pagpapatunay lamang na mahal pa rin nila ang kanilang idolo kahit kabila’t kanan ang intrigang ibinabato sa binata.

After his song number, tinanong ang aktor kung anong gusto niya sa babae. “Yung mahal niya ako at mahal ko siya,” mabilis na sagot ni Papa P.

ADVERTISING

Matindi rin ang boses ni Bryan, puwedeng maging isang sikat na singer. Na-surprise kami nang awitin ni Cristine ang “Nang Dahil Sa Pag-ibig”. May timbre pala ang boses ng sexy star kaya’t naging recording artist ng Star Records. Pangarap rin niyang maging singer at makapag-concert sa Araneta tulad ni Anne Curtis. Hindi nga lang daw siya nabibigyan ng pagkakataon ilabas ang talent niya as a singer.

Humataw rin ng kanyang song number si Maricar. Umaalagwa naman ang magandang boses ni Angeline sa loob ng Skydome.

Hataw sa taas ng rating ang primetime soap nina Piolo, Cristine at Jericho Rosales. Kapana-panabik ang bawat eksena. Taos-pusong nagpapasalamat ang Kapamilya Network sa suportang ibinibigay sa kanila ng publiko.

 

SA GRAND opening ng “USA2 everywhere, special guest star si Jewel Mische. Parang umiiwas ito sa media, ayaw magpa-interview. Kaya’t nang makakuha kami ng tiyempo, tinanong namin ang dalaga kung bakit USA2 ang napili niya?

“Kasi nga, very convenient siya. Hindi mo na kailangan ang credit card, anything that you wanna buy online. Any product from the States you just call them. Magbabayad lang kayo ng cash, sila na ‘yung mag-aasikaso. So, very convenient talaga,” paliwanag niya.

Personal life, very happy ba naman? “Yes, naman. I’m very happy sa career kasi, kung papaano ko ini-expect noong nag-start ako sa ABS, tuluy-tuloy na project. Meaning, tuluy-tuloy na training para sa akin kaya I’m very happy,” aniya.

Si Jason Abalos kaya ang nagpapasaya ngayon kay Jewel kaya inspire siya sa work? “We’re all happy. You know, I  thank God because I can be happy even I’m not in a relationship,” makahulugang sabi ng dalaga.

Ibig ka-yang sabihin ng actress na break na sila ni Jason, kaya’t ganoon na lang ang pag-iwas niya sa press.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING