Sa kabila ng intriga: Angelica Panganiban, mahigpit ang kapit kay Derek Ramsay!

ADVERTISING

Sa kabila ng intriga: Angelica Panganiban, mahigpit ang kapit kay Derek Ramsay!Sa kabila ng intriga: Angelica Panganiban, mahigpit ang kapit kay Derek Ramsay!PUMUTOK KAMAKAILAN ANG balitang tinapos na nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ang kanilang three-year relationship. Ang pagiging selosa raw kasi ni Angel ang naging ugat ng kanilang paghihiwalay.

Derek and Angel, however, vehemently denied the rumor. Nagkatampuhan lang daw sila ng ilang araw. “All relationships have problems. Angel and I had some problems but it’s not third party, not pagseselos,” Derek clarified. He admitted that they both needed some time for themselves pero naayos naman daw ito matapos nilang mag-usap.

ADVERTISING

Derek detonated four explosive issues hurled at him during the interview.

First, totoo bang selosa si Angel? Iyakin pero hindi raw selosa ang kanyang girlfriend.

Second, binigyang-linaw niya ang kanyang kumalat na larawan kasama ang isang non-showbiz girl. The lady in question is Derek’s friend and their photo was taken in Cebu during the Sinulog Festival. “I have lots of pictures like that. Fans would ask you kung pwedeng pa-picture na hinahalikan mo ako. I’ll do it coz it’s harmless.”

ADVERTISING

Third, Derek clarified the issue that he often fetches Saida Diola, a member of a noontime show dance group, at Broadway Centrum. He apologized to Saida for being dragged into the controversy. Pinabulaanan din ni Derek ang balitang binigyan niya ito ng diamond ring.

[ad#ad-text-links-1]

Fourth, nagsalita siya tungkol sa diumano’y muli nilang pagkikita ng ex-girlfriend na si Solenn Heusaff. “I haven’t seen Solenn for a long time. Communication wise, a text or two but it’s been months.”

Tama si Derek nang sabihin niya na hindi lang ang mga pagsubok na ito ang posible nilang harapin ni Angel sa kanilang relasyon. Ngayon pa lang ay iniintriga nang hindi boto ang pamilya ni Derek kay Angel. “Hindi makikipagplastikan ang pamilya ko sa isang taong hindi nila gusto. If that’s the case, just leave my family out kasi they’re really honest and good people,” depensa ni Derek.

The success of any romantic relationship is a joint effort. Sabi nga, it takes two to tango. Paano ka sasabay sa mabilis, mabagal, romantiko at nakahihilong sayaw ng pag-ibig? At paano kung ikaw ay napagod na,

how do you keep the love burning?

Derek and Angel are both busy with their respective projects. Mapapanood si Derek sa Habang May Buhay samantalang si Angel ay nasa Banana Split at Rubi. Pero gaya ng ibang couples na in-love, wala pa bang planong magpakasal nina Derek and Angel? Balitang nasalo ni Angel ang bouquet sa wedding ng kanyang best friend. Magkatotoo kaya sa kanya ang paniniwala nating mga Pinoy na kung sinuman ang makasalo ng bridal flower ay siya ang susunod na ikakasal? Abangan.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING